Tuesday, April 2, 2013

Well, it all starts here -----> LOVE


       LOVE...grabe! kahit sino na yatang nakikita o kakilala mo ngayon...isang tingin mo palang sa kanila, mukhang IN LOVE na! Mapa bata man o matanda, kulang nalang pati fetus lumalove life na rin ngayon. Love na yta ang word na may pinakamaraming kahulugan sa mundong ito. Kung susumahin, daig pa ang mga math books at med. books sa kapal nito. Heto ang ilan lamang sa mga nalikom kong impormasyon tungkol sa ibat- ibang kahulugan ng PAG-IBIG ayon sa mga cheesymosa! sa tulong ng ating kaibigan na si GOOGLE.

1. Love is blind.  Ito yung tipong wala kang pakeelam kung ano siya at kung sino siya, mapa gwapo/maganda man o hindi, kahit ano pang ugali niya..masama man o hindi basta ang mahalaga ay mahal mo siya!

2. Love is at first sight. Ito yung tipong tumitigil ang ikot ng mundo mo ng isang minuto at apatnaputtatlong segundo with matching background music entitled SA ISANG SULYAP MO. 
''Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, 
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, 
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.''

Mala  Mang Inasal lang ang peg (haha). ALAM NA!

3. To care about a person more than you care about yourself. Ito yung tipong baliw na baliw ka na sa pag-ibig. Ginagawa at kinakaya mo lahat para sa taong mahal mo. Wala ka ng pakeelam kung nanaghihina ka na o humihirap ka na. Basta gagawin mo lahat para sa kaniya.

4. An unexplainable good powerful internal feeling. Sa tagalog, ito raw yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag. Napaka-SUPERLATIVE naman ng definition na 'to, good na, powerful pa. Ito yung tipong sa sobrang hindi mo ito maipaliwanag, otomatiko ka na lamang mababaliw kahit anong oras.

5. Finding someone who completes your puzzle. Kasinlalim ng taong nagsabi nito ang Marianas Trench. Kulang na lang ay isama pa niya si Aryana na kakatapos lamang magtaping ngayon haha. Ang Pag-ibig daw ay parang isang puzzle na kung wala ka ay hindi mabubuo ito at parang isang mapa na nawawala ang kadugtong nito kaya hindi mahahanap ang nawawalang kayamanan.

Kahit tanungin man ang mga kabataan ngayon, mayroon at mayroon silang masasabing kahulugan ng pag-ibig. Ito ay ihahalintulad ko sa isang virus na madaling kumalat at lumaganap. Komento pa nga ng iba na kung wala kang love life, hindi ka IN! (ouch!) Yung tipong mapapakanta ka na lamang ng in or out ni Sandara Park na sikat na sikat noong 2009.

Am I IN or OUT?

Masyado yatang dinibdib ng mga sangkatauhan ngayon partikular na sa mga kabataan ang tanong na ito. Elementarya pa lamang may bf/gf na! Ganyan kalala ang sitwasyon pagdating sa pagamamahal. Ang tawag dito...MAKASANLIBUTANG PAGPAPAKAHULUGAN NG PAG-IBIG  (MPNP). (ano raw?)

Ganito ang mga halimbawa ng MPNP. Ating suriin: 
1. TOTOO BANG LOVE IS BLIND?
2. TOTOO BA  ANG LOVE AT FIRST SIGHT? 
3. TAMA BANG IBUHOS ANG LAHAT NG LAKAS MO PARA SA TAONG MAHAL MO?
4. HINDI NGA BA TALAGA MAIPALIWANAG  ANG LOVE? 
5. SINO NGA BA TALAGA  ANG TAONG MAKAKAKUMPLETO SA PUZZLE NA YAN HAH?

      Actually ang pag-ibig hindi naman talaga bulag. Sadyang mga tao lang talaga ang nagpapakabulag sa MPNP1. Siguro medyo naguluhan kayo. LOVE IS BLIND tapos LOVE AT FIRST SIGHT? lokohan lang? haha. Marami akong nabasa at napanood na pelikula tungkol sa love at first sight. Yung tipong hinanap pa ng isang lalaki ang babaeng pumukaw sa kanyang atensiyon noong una niya itong makita at noong nahanap niya ito, sila'y nag-ibigan ng ilang buwan lamang at naghiwalay din. Naging sila lamang dahil Public ang paghahanap ng cheesy guy na ito sa girl, yung tipong broadcast pa. Sobrang pagmamahal naman yata ito. Nawawalan ka na ng oras para sa sarili mo. Ito yata ang tipong MPNP1 na dugo, pera, lakas, at pawis ang ububuhos mo para lamang sa taong mahal mo. Ang love ay maipapaliwanag naman talaga. Kailangan lamang natin buksan ang ating puso't isipan at kailangan ng matinding pag-unawa para maipaliwanag ito. Tulad ko, ng dahil sa pag-ibig, nasasabi ang lahat ng ito. 

   Sino ba naman ang makakapasok kung nakalock ang pinto? Paano makakaakyat sa next floor kung walang susi ng elevator sa larong 100 Doors of Revenge? Isa lamang ang susi sa mga katanungan na naisulat sa taas. Ang dapat lang natin gawin ay alamin ang kahulugan ng MNPNP.

MAKADIYOS NA PAGPAPAKAHULUGAN NG PAG-IBIG

Well, it all starts here -----> LOVE
       Ang lahat ay nagsimula sa PAG-IBIG na mayroon ang Diyos para sa ating lahat. Nabubuhay tayo ngayon hindi dahil sa pag-ibig natin sa iba kundi dahil sa pag-ibig sa atin ng Diyos. Isang patunay dito ay nang inialay ng ating ng ating Diyos Ama ang kaniyang kaisa-isang anak na si Jesus Christ para tayo ay malinis sa ating mga kasalanan at karumihan. Ito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay siksik, liglig, at umaapaw. Ibig sabihin ay kailabn man ay hindi nagkulang, SOBRA SOBRA PA! Ganyan tayo kamahal ni Lord. Hindi naman niya tayo binabawal na umibig sa iba ngunit ng dahil sa MPNP ay nagiging iba ang purpose at reason natin kapag nagmamahal. Madalas na napapasobra ang pagmamahal natin sa ibang tao kaya nakakalimutan natin kung sino ang tunay na nagmamahal sa atin. Natutuon ang atensiyon ng karamihan sa atin MPNP. kaya ang sagot sa katanungan na kung sino nga ba talaga ang makakakumpleto sa puzzle na nasabi ay...TANGING SI LORD LAMANG AT WALA NG IBA. :)








No comments:

Post a Comment