Wednesday, April 10, 2013

ARE YOU READY?

YESSSSSSSSS SUMMMMERRRR NAAAAAAA!!! :)

Tuwing bakasyon nagpaplano ang family niyo para sa Vacation Trip niyo. Siyempre matagal palang eh nagreready ka na. Ililista mo na ang mga dadalhin mo o di kaya naman ay ieempake mo na para pagdating ng araw ng trip niyo eh ready to go ka na. Minsan dino-double check mo pa para makasigurado ka na wala ka talagang naiwan.

CHECK LIST:
✔ Money                        ✔ Clothes                    ✔ Slippers
✔ Passport                     ✔ Cellphone                ✔ Shoes
✔ Place                           ✔ Camera                    ✔ Laptop
✔ Hotel                           ✔ Sunglasses               ✔ iPad                   

Pero what if unplanned ang vacation trip niyo? Bigla ka lang tinawagan ng mga kaibigan mo at nag-ayang pumunta sa Boracay and they will pick you up 10 minutes after mo natanggap yung text nila. Edi dali dali kang mag-aayos ng mga gamit mo, lagay dito lagay doon, kahit ano na! Tapos, pagdating sa Hotel, nakalimutan mo palang magdala ng ganito at ganiyan. Kulang din ang perang nadala mo. Eh paano kung KKB pala tapos sakto lang din ang perang dala ng mga kasama mo? Paano ka ngayon?

Eh kung sasabihin kaya sa June na may Field Trip kayo sa November? Common attitude ng Pinoy siyempre sasabihin sa sarili "matagal pa naman yun kaya saka ko na muna iisipin".

Eh kung alam mong may exam ka next week pero hindi ka nagreview. Ginugol mo ang oras mo kakalaro ng mga computer games at kakagala kasama ng mga katropa mo o di kaya naman inuman TUDAMAX!? Edi pagdating ng exam mo wala kang masagot? Paano ka ngayon?

http://www.revelationillustrated.com/shop/image36.asp
Ito naman ngayon. Paano kung second coming na pala ni Lord ngayon? Oh ano? Ready ka ba? Nakapagready ka ba? Eh kung nagising ka nalang isang araw wala na ang mga kasama mo, RAPTURE. Wala ng tao sa paligid mo. Tsk! Tsk! Naiwan ka na! Hindi mo man lang nakita ang second coming ni Lord at ang masaklap pa...hindi ka kasama sa mga sinundo niya papuntang langit o kaya naman eh nakikita mo ang pag-akyat ng mga kakilala mo kasama si Lord pero hindi ka kasama sa mga yun katulad ng picture na 'to. (aaahhhhh :( ) Magtataka ka pa kung bakit hindi ka kasama sa mga yun. Mapapatanong ka nalang siguro ng:

"Eh good boy/girl  naman ako Lord ah?"

"Kilala naman kita Lord ah?"

"Nagsisimba naman ako Lord ah?"

"Bakkkkyyeeettt?? :( "


Tsk! Tsk! Kahit ikaw pa ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa mundong ito, kahit ipatawag mo pa ang piloto ng eroplano o helicopter mo, hinding-hindi ka makakasama papuntang langit!

Isa lang naman ang solusyon dito eh, YOU HAVE TO BE READY! Kumbaga, malayo palang eh dapat mo ng paghandaan. Kung kinakailangang gamitin ang pagka-GIRL SCOUT o BOY SCOUT mo eh gawin mo! KAILANGAN, LAGING HANDA! :)


Matthew 24:44 "So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect Him."

Oh diba? Parang unexpected visitor lang sa bahay niyo. Magugulat ka sa biglang pagbisita niya. Matataranta ka pa dahil hindi ka man lang nakapaglinis ng bahay niyo. So kailangan pala eh lagi kang naglilinis ng bahay niyo kahit walang bisita para hindi ka na mataranta kapag may unexpected visitor ka.


Yung mga READY sa second coming ni Lord siyempre matutuwa. Hindi man nila alam kung kailan, hindi naman nila nakakalimutan ang paalala mula sa bibliya sa muling pagbabalik Niya. Nakakatuwang isipin siguro na pinaghahandaan mo kung anong magiging reaction mo kapag nakita mo si Lord yung tipong mapapakanta ka siguro ng  I CAN ONLY IMAGINE (click to view) by Mercy Me.  Yung tipong hindi mo alam kung magkakanta ng mga Songs of Praises at magwo-Worship o mapapasayaw ka sa sobrang tuwa kapag nakita mo na si Lord hehe.


Eh yung mga UNREADY naman kaya?

Kakabahan ba?

Tatakbo papalayo?

Magtatago kay Lord?

Pero Don't worry, maaga pa naman, may oras ka pa para magready at magbago.


HOW TO BE READY

Heto ang mga advice ng mga ate at kuya natin kung paano ba talaga maging handa sa muling pagbabalik ni Lord.



Ate Cha
"I-keep na on fire ang relationship sa Kanya, mamuhay na para sa Kanya at hindi para sa ibang tao. Talamak kasi ngayon ang iniisip ang sasabihin at tingin ng ibang tao e. Magiging victorious kung hanggang sa huli (sa pagdating nya or sa pagkamatay) ay ippraise si Lord at kung nashare ang Word at love Nya sa iba. Ang status ko ngayon ay still hoping na maging on fire pa sa Kanya dahil alam ko na lagi ko Syang nafefail."


Ate Clar
"Parang sa friends lang yan eh. 'diba we need to be secured sa relationship natin kay Jesus, meaning we have to be close to Him. (Daily QT, prayer and worship) Yung kumbaga ini-include natin sya sa bawat pangyayari and mangyayari sa buhay natin. Lahat ng natututunan natin sa Kanya lagi natin tinatatak sa puso natin. Parang sa friends, kunwari tayo, bff tayo 'tas ako secured ako sayo alam ko love mo ako and at peace tayo with each other, hindi mo 'ko na-offend ganun. Kapag dumating ka ng surprise sa bahay, okay lang sa akin. I will be glad to see you pa diba. Ganun yun, pag si Jesus dumating and na-offend mo siya (sin), or worse hindi ka Nya kilala (hindi mo sya kinakausap sa prayers, weak faith) sa tingin mo matutuwa ka or matutuwa siya pag nagkita kayo? Hindi diba? Tapos may naalala akong verse, "Depart from me for I do not know you." Sabi nya. And making your presence known to the Lord by constantly talking to Him and doing things for Him by faith. Example, you are faithful sa tithes and offerings mo because you expect and believe God will prosper you financially. You love others kahit mahirap because you honor His word na ganun ang attitude natin dapat, because we know na kapag sinusunod natin ang Word nya, He is pleased."


Ate Yayo
"Siyempre dapat nag-aattend ako every Sunday and sa lahat ng activities sa church. Pero syempre dapat makikita lahat ito sa buhay ko and of course para matupad iyon, kailangan ng prayers and also dapat ginagamit ko din ang mga gifts ko galing kay Lord like talents. Dapat nagwo-work ako para sa Kanya. Lagi dapat maging ready since hndi natin alam kung kailan Siya darating. Hindi din ako dapat magpapadala kahit sa mga simpleng temptations kasi anytime pwedeng dumating si Lord."


Ate Madie

"Accept Jesus Christ as your Lord and Savior and live for Him alone. Always read your bibles din. Huwag lang basahin kundi  intindihin ito---imeditate ito at iapply sa life mo. Kumbaga, ito ang sandata natin at huwag na huwag ikahihiya ang Gospel dahil Good News ito para sa ating lahat. Makisama sa mga taong alam mo na maggrow ang relationship mo Kay Lord at hindi sa mga taong lalo kang mapapalayo sa Kaniya. Huwag ikahiya ang pagiging Kristiyano mo kahit tawagin ka pang weird, oa, sobrang makaDiyos o kung ano pa. Kung lahat ay para kay Lord, never naging nakakahiya yun. Sila ang dapat mahiya dahil alam nilang ang sacrifice na ginawa ni Jesus para sa kanila pero wala lang ito para sa kanila, it was just a history for them. Make fishers of men dahil  mas masayang nagseserve kay Lord kung kasama mo ang pamilya mo at mga kaibigan mo. :-)"


Ate Chin
"As a servant of God gagamitin ko lahat ng strength ko para maserve ang Lord and also, I will keep myself atouched on Him. Lalo ko pang paiigtingin ang relationship ko sa Kanya by using my talents to worship Him. And siyempre, papanatiliin kong on fire sa Kanya at lagi lang siyang itrutrust in all areas of my life. Sa tingin ko sa pamamagitan niyan magiging victorious ako sa pagseserve sa Kanya. I pray na lalo pang lumalim yung relationship ko sa Kanya and lalo pang maging on fire kay Lord. As of now, I am jofully serving Him. :-)"


Kuya Christian
"Kailangan lang na habang kaya pa natin, habang may panahon pa, habang may lakas pa tayo, habang hindi pa tayo kinukuha, habang may pag-asa pa, kailangan alalahanin na natin ang tunay na lumikha sa atin, yun ang ating Diyos na buhay!!! Na ibig sabihin kailangan na habang tayo ay mga kabataan at habang kaya pa nating magserve sa Lord gawin na natin ang lahat nang ating magagawa para sa Lord. So that we have no worries when Jesus comes. Just remember the verse: Ecclesiastes 12:1 "Remember also your Creator in the days of your youth, before the evil days come and the years draw near of which you will say, “I have no pleasure in them” Ang status ko naman sa Lord is: in relationship cause i'm still working for what God wants me to do for Him. Wala ka nang dapat pang marating sa buhay, ang kailangan lang ay mag-patuloy ka lang na naglilingkod for the Lord hanggang kaya mo pa at hanggang sa pagdating nya. :-)"




(I will keep on posting advices of our ate and kuya :) )









Nawa'y makatulong ito sa relationship mo kay Lord. GOD BLESS :)






No comments:

Post a Comment