Friday, April 5, 2013

A FRIENDSHIP THAT WE COULD EVER IMAGINE

Ang hirap naman siguro kapag loner ka. Wala kang nakakausap, walang mapagsabihan ng mga problems mo, at wala kang mashare-an ng mga happy moments mo. Serious ka lagi, madalang magsmile, at tahimik lagi. Lagi ka ring nasa bahay, madalang mamasyal, at wala kang hilig sa mga Social Networking Sites (SNS). Oh di kaya naman, may kaibigan ka nga dahil no choice ka lang dahil wala kang mapagtanungan ng mga assignments, mapaghiraman ng books, o kung ano pa.

Ang saya kaya magkaroon ng mga kaibigan, yung hindi lang isa kundi marami talaga! Yung tipong wala ka lagi sa bahay dahil magkakasama kayo, yung inipon mo ng isang linggo eh mawawala ng parang bula sa isang araw lang kapag magkakasama kayo haha, yung may mag-aadvice sayo kapag problemado ka, at higit sa lahat...yung napapainis ka, napapagalit ka, at napapaiyak ka dahil pinagtitripan at niloloko ka nila! HAHA

Ayon sa aking source, may dalawang uri raw ng friendship. Ating alamin!

1. ONLINE FRIENDSHIP
Sila yung mga kaibigan mo sa mga Social Networking Sites katulad ng Facebook, Twitter, at Tumblr. Maaari ring maging loner kahit na marami kang online friends dahil wala kang personal interactions sa kanila at isa pa delikado rin ito dahil maaari kang maloko. Marami na ring mga love stories ang sumibol online, yung iba nagwork at yung iba naman hindi.

2. OFFLINE FRIENDSHIP
Dito, may personal interactions ka sa mga kaibigan mo. Nakikita mo sila, nakakasama, nahahawakan...yung tipong kapag ginulat ka eh talaga namang makakatikim ng hampas HAHAHA, nakakasabay kumain, at naco-comfort ka kapag may problema ka at gagamitan ka pa ng POWER HUG! hehe
Marami tayong mga kaibigan, meron sa bahay, sa church, sa school, sa work, at kung saan pa tayo pumupunta. Heto ang ilan sa mga kaibigan ko. :)

MEET MY FRIENDS

COLLEGE

                              Ate Wendy
Siya ang Life Group Leader ng Tres Marias. Nagm-meet kami kapag may free time  basta once a week para magshare-an at pagpray-an lahat ng mg concerns namin. Malaki ang naitulong niya sa pagpapalago ng spiritual life ng grupo. Kahit super busy siya, talagang kakayanin at gagawan niya ng paraan basta mameet niya lang kami. Maganda, super talino at sobrang bait talaga, madaldal, approachable, at "lumaLABLAYP" din hehe (peace ate :D).                                                                                                                                                                                                                                                                                 
                                                                                      Abbey

Siya ang binansagang Pastora ng mga classmates namin hehe. Napakareligious kasi niya at laging shine-share ang word ni God kung may pagkakataon. Hindi rin nawawala si God sa mga essay na sinusulat niya. Siya rin ang unang nagshare ng Gospel sa akin kaya naman thankful ako kay Lord dahil siya ang ginamit niya para magkaroon ako ng personal na relasyon sa Kaniya ngayon. Mganda siya, matalino, mabait, magaling sumayaw, at matakaw (hehe peace! :D).
  
                              Cherleng
Siya ang madalas kong nakakabangayan sa kanilang dalawa ni Abbey haha. Lagi kasing magkasalungat yung mga gusto namin :D. Committed din siya kay Lord at active sa church. Madaldal din siya at laging tinutukso ng TROPANG UNO hehe. Siya rin ang rich kid sa aming tatlo, yung tipong sa oras ng pangangailangan, siya talaga ang malalapitan mo (oh alam niyo na ah? hahah joke lang siyempre :D) Matalino siya lalo na sa math pero huwag lang siyang pagmemoryahin ng sobrang haba katulad na lamang ng Rizal's Life, Technical Writing, at Philippine Literature dahil tiyak na mababaliw na siya HAHAHA. At ang pinakanatatawa ako sa kaniya ay lagi siyang late sa Physics, yung tipong kapag exam eh ikaw pa ang kakabahan dahil wala pa siya haha.

Trivia:
Kaming tatlo ay binansagang TRES MARIAS ng TROPANG UNO haha.

HIGH SCHOOL


                                      Clar 
Kaibigan ko siya since second year high school. Tinuturing namin ang isa't isa as real sisters na talaga. Alam namin ang problema ng bawat isa yung tipong kahit minsan sobrang personal na ito. Lagi kaming napapagalitan dahil lagi kaming magkasama haha eh sa BFF ang peg eh? HAHA. Halos sabay kaming naggrow sipiritually. Naaalala ko na sobrang kinukulit ko siya lagi na umattend sa LifeBox pero maraming beses din niya akong tinanggihan. Nadadaan talaga lahat sa prayers at sa isang notebook na dinoodle na may bible verse na nakasulat sa loob ang katapat niya hehe Thank You Lord. Kailangan talaga ng matinding effort sa taong 'to haha. At ngayon, nakakabless siya dahil napakacommitted na niya kay Lord, as in kung noon naiilang kami pag-usapan si Lord, ngayon eh halos oras oras yata pinag-uusapan namin how God transformed us. :)

CHURCH
Ito ang grupong WOF. Mala World of Fun haha at talaga namang sasaya ang mundo mo kapag sila ang kasama mo (nanu kano??) HAHA. Anyway, We're On Fire ang meaning niyan. Nag-aalab ang puso namin, sobrang excited, at sobrang passionate sa pagse-serve kay LORD. :)

                                                                                     Chin Chin
Siya ang bunso ng grupo. Hindi halata na siya ang pinakabata dahil sa way ng pagsasalita niya at isa pa eh fashionista siya, daig pa ang mga ate ng grupo haha. Marami ring nahuhumaling sa kaniyang kagandahan at personality kaya naman heto kami't mala Guwardiya Sibil HAHA, at higit sa lahat...ang Best Actress ng WOF. Matalino, mabait, at moody...yung tipong oo na lang sa lahat para hindi magalit :D (peace chin haha) at higit sa lahat siyempre committed kay Lord :)


                                   Yayo
Siya ang singer sa grupo, yung tipong mapapalayo ka nalang kapag kumanta siya dahil tinatry niyang talunin ang mala THE VOICE na boses naming lima HAHA. Fashionista rin siya, yung tipong araw-araw bumibili ng damit hehe, moody rin...yung tipong dapat lagi kang aware sa mga sasabihin mo dahil medyo sensitive siya, maganda, matalino, matapang...yung tipong yari ang mga stalker mo medyo astigin kasi hahaha, at higit sa lahat committed din kay Lord.

                           Bella
Siya ang mukhang bunso ng grupo dahil medyo malumanay kasi magsalita at malambing pero hindi ko naman sinasabi na tahimik siya haha. Sa aming magkakasama, siya ang iyakin! haha kapag nanonood ng movies at kapag medyo nakakaiyak ang speech ng kung sino man hehe . Maganda, matalino, malakas ang loob, matakaw hehe, at ka-bonding ko madalas sa school "'te madie sun cow?" haha jejemon lang haha joke lang :D  
                                                                                                                       
                                                                                          Cha
Siya ang pasaway na ate sa grupo haha. Hobby niya yata ang magprank at  mahilig talagang mang-asar kaya naman madalas niyang napapaiyak ang mga miyembro ng WOF tsk! tsk! arooooo! :D Maganda, matalino, mabait, maraming ideas sa mga surprises, singer...actually mala YouTube sensation sila ni Bella HAHAHA at siyempre napakacommitted talaga kay Lord. :)




                                Ate Jade
Siya ang pinaka-ate sa grupo. Maganda, mabait, magalang, malalim magtagalog hehe, matalino, napaka-understanding na ate, at siyempre committed talaga kay Lord. Napakapassionate niya sa pagseserve kay Lord through teaching students doon sa church nila. Madalang lang namin siya makasama dahil taga Cavite pa siya. Nagbabakasyon naman siya dito sa Tarlac paminsan-minsan.


Yan ang mga kaibigan ko! Ang mga nakakasama at makakasama ko sa buong buhay ko. Talaga naman on fire ka palagi at secured na hindi mapapahiwalay kay Lord kung sila ang kasama mo. Yung iba kasi naghahanap ng mga kaibigan na may kapareho nilang personality para madaling pakisamahan. Yung ibang magkakaibigan naman eh nagkakasiraan, pero kung ganito ang mga kaibigan mo...walang mangyayaring ganun, bakit? Because we have one thing in common. Ano yun? Committed kami lahat kay Lord. Walang leader leader sa grupo na 'to. Tanging si Lord ang leader ng friendship namin. We have a God-Centered Relationship. Masasabi ng iba na okay ang friendship nila kahit wala si Lord. Pero someday, marerealize rin nila na may kulang sa pagkakaibigan nila.

At kung personality mo talaga na hindi makipag socialize, yung tipong taong bahay ka lang talaga at tahimik, hindi ka tunay na loner. Hindi mo lang binubuksan ang mind at heart mo kaya hindi mo kilala ang gustung-gustong makipagkaibigan sayo. Sino yun?

MEET OUR PERFECT FRIEND


Si Lord ang perfect friend nating lahat. Siya ang tipo ng kaibigan na hindi ka talaga iiwanan. Kahit na ayaw mo siya o hindi mo siya kilala ...still, hindi ka pa rin Niya iiwan. Nakay Lord na ang lahat ng qualities ng isang TRUE FRIEND. Gustung-gusto ni Lord na makipagkaibigan sa'yo. Hindi natin nakikita si Lord kaya naman gumawa siya ng paraan upang makita siya physically through Jesus Christ. Inako pa niya ang parusa sa mga kasalanan natin dahil sa sobrang pagmamahal niya sa ating lahat. He is really a friend that we could ever imagine, yung gagawin lahat alang-alang sa mga kaibigan niya. Hindi man natin siya nakikita, makakausap naman natin siya through prayers. Napakamapagmahal talaga ni Lord. Kaya kung feeling mo wala kang kaibigan, nagkakamali ka diyan. Buksan mo lamang ang isip at puso mo sa Kaniya, at tiyak naman na magkakaroon ka ng kaibigan na pangwalang hanggan. Sinasabi ko sayo, gustung-gusto Niyang makipagkaibigan sayo. :)


No comments:

Post a Comment