Homeworks. Exams. Thesis. Competitions. Barkada. Gimiks. Vacation Trips.
Lablayp. Facebook. Videogames. Lack of initiative. Financial incapability.
Unstable decision making. Family background. Lack of talents. Improper time
management. Shyness. Young age.
Ilan lang ang mga 'to sa mga dahilan ng marami sa atin kung bakit ayaw pang
magserve kay Lord. Kesyo madaming ginagawa sa bahay, kesyo nahihiyang
mag-Church dahil madaming kasalanan, kesyo bata pa, marami pa raw oras. E ano
nga ba ang pinamumuhay natin sa mundong 'to? Hindi naman tayo nandito para
mag-enjoy, magpakayaman, at kung anu-ano pa. Nandito tayo para mamuhay sa
Kanya. Kung hindi ngayon, edi kelan? :)
"No time for God? What if God will have
no time for You? Think of eternal life now."
Nakita ko to na nakapaskil sa loob ng jeep nung elementary pa ko.
Nakakapangilabot diba? Pano nga kung nawalan Sya ng time sayo? Creepy. Pero
syempre, di naman Niya tayo iiwan, don't worry. :)
Narito ang ilang aspects na minsan ay nakakasagabal sa pagseserve kay Lord.
At narito din ang mga possible solutions. :)
photo from google.

SCHOOL. Sabi nga nila, edukasyon daw ay kayamanang hinding-hindimananakaw sayo. Kaya naman ang iba, effort kung effort ang binibigay. Minsan
nga, ang 5 days na pasok ay kulang at gugugulin pa ang 2 days na pahinga. Kaya
ayun, naneneglect ang pagseserve kay Lord. Pag-papaatendan mo ng Sunday
"Ay, may project po ako," "Ay tatapusin ko po thesis ko,"
ay ay ay! Puro ay. Kung tutuusin, hindi dapat 'to maging sagabal sa
paglilingkod sa Diyos. Part ito ng ministry natin as Christians. Sabi nga ng
isang ate sa Church namin, "WE ARE PART TIME STUDENTS AND FULL TIME
CHRISTIANS." This phrase says it all. Pwede nating i-offer kay Lord ang bawat high
score natin, at i-share ang unfailing love ni God sa ating mga classmates. Basta
do everything for Him! :)
PEER PRESSURE. Dito pumapasok yung barkada. Ang mapanuksong
barkada
na talaga namang kayhirap tanggihan. Hehe. Kapag kasama mo sila,
magagawa mo ang lahat. Kumbaga, sila ang energizers mo. Pwede naman
magamit itong aspect na ito para i-serve si Lord. Dapat lang, Siya ang
maging center ng friendship nyo. Ayun, and everything else will follow.
:))
THE "BATA PA KO" ALIBI. Ayun nga, bata. Maraming pangarap pa na gusto munang abutin. Edi kelan ka pa maglilingkod? Kapag uugud-ugod ka na? Sabi sa Ecclesiastes 12:1 "Remember your creator in the days of your youth..." Kung kelan may lakas pa tayo para magawa ang mga pinapagawa Niya sa atin. Trust me, worth it ang lahat. :)
"MAKASALANAN AKO, PANO 'YUN?" Ito naman yung
talamak na reason. Gasgas na nga e. Aba naman friend, lahat naman tayo
makasalanan. :)) For all have sinned and fall short of the glory of God, ika
nga ng Romans 3:23. Pero eto yung magandang part.
Kahit na makasalanan tayo, unworthy, at madumi, namatay Sya para sa ating lahat. Hindi para sa mga mababait, sa magaganda't gwapo, o sa mayayaman-- PARA SA ATING LAHAT. Yun ang tunay na pakahulugan ng pag-ibig!
"This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins." - 1 John 4:10
So, ano dapat ang response natin ngayon?
Iaalay ang buong buhay sa Kanya. Gawin ang lahat para sa ikararangal ng pangalan Niya. Walang busy sa taong namumuhay para kay God! E ano ba naman ang pansamantalang kasiyahan na bunga ng mga kabusyhan natin ngayon compared sa eternal life na matatamo natin kung mananatili tayo sa Kanya diba? Hardcore!
So dapat, ganito ang itsura ng priority list natin.
- GOD
- Kahit ano ang second
- Kahit ano ang third
- and so on...
Basta ang importante, si God ang una. Seek first His kingdom, and everything else will be added unto you (Matthew 6:33).
Ano, BUSY KA PADIN BA? :)
No comments:
Post a Comment