Tuesday, April 2, 2013

KAYA KO PA BA?

Sino ba naman ang makakapagtrabaho ng maayos kung puno ang laman ng isip mo ng mga problema mo. Parang ako lang, ewan ko ba kung bakit pa ako nakakapagblog ng ganito eh meron akong problema ngayon. Napagtanto ko lang na kapag nagkakaproblema pala ako, lalo kong nakikilala ang sarili ko. Ganun naman talaga yun eh, mas kilala ka pa ng ibang tao kaysa kilala mo ang sarili mo. Kapag may problemang biglang dumating, dalawa lang yan, either matataranta ka o tatahimik ka lang, yung tipong tahimik na para kang masisiraan ng ulo haha. Doon ako sa tahimik lang, yung tipong naghihintay lang ng balita sa text bahala na kung positive or negative, nakaupo lang at hawak ang cellphone while watching Smile, Dong Hae (haha) at lipad ang isip kaya hindi mo napapansin na may kumakausap pala sayo. Hindi ko naman masasabi na calm ako kapag may problema ako actually nanghihina pa nga ako at pinagpapawisan ng sobra haha hindi lang talaga ako yung yung taong maingay ang pagrereact. Natanong mo na rin siguro ang mga ito sa sarili niyo: "Christian naman ako pero bakit naghihirap pa rin ako?", "Malapit naman ako kay Lord pero bakit ang dami ko pa rin problema?", at "Sa dami ng tao sa mundong ito bakit ako pa ang hindi pinapansin ni Lord?".
Ang buhay Kristiyano ay hindi parang Nestea na "Dito ang gaan, dito ang saya, at dito ang sarap". Akala nila na kapag Christian ka eh wala kang problemang iniisip at mga hirap na nararanasan. Yung iba naman. akala nila na kapag Christian ka eh pinapabayaan ka na ni Lord. Actually, hindi tayo ang pinapabayaan ni Lord...well, hindi naman talaga niya tayo pinapabayaan kapag may problema tayo at kahit kailan hindi talaga tayo pababayan ni Lord at ang totoo ay problema ang hinahayaan ni Lord (what??). Sa aking sariling pananaw, hinahayaan ni Lord na magkaroon tayo ng problema, pero hindi ko sinasabi na si Lord ang nagbibigay sa atin ng problema. Ang isang kasagutan sa mga katanungan na yan ay...MALAPIT TAYO KAY LORD KAYA MERON TAYONG MGA PROBLEMA. Ayaw kasi ng evil na masyado tayong close kay Lord. Maihahalintulad ko siya sa isang sitwasyon na nawawalan tayo ng ganang kumain kapag masakit ang tiyan at ngipin natin. Gusto ng evil na mawala ang focus natin kay Lord kaya tinatambakan tayo ng problema at mga pasakit. Pero kailan man ay hindi malilinlang ng evil si Lord. Sa ginagawa niyang pagpapasakit sa atin ay mas lalo pa tayong mapapalapit kay Lord...yun ay depende kung gaano ba talaga natin pinagkakatiwalaan at kung gaano katas ang FAITH natin kay Lord :)
Mali rin ang paniniwala na problema ang nakakapagpalakas sa atin. Faith kay Lord at si Lord ang nagbibigay ng kalakasan sa atin. Hindi rin tayo ang maaaring sabihan ng malakas kapag nakayanan natin ang isang problema, si Lord pa rin ang malakas kaya nakayanan natin yun. Sabi nga sa scriptures... I CAN DO ALL THINGS... - kaya nating gawin ang lahat at kaya nating mapagtagumpayan lahat. Ngunit minsan akala natin ay nagagawa natin ang mga yun dahil sa sarili nating kalakasan. Nakakalimutan natin na may kasunod pa ang mga salitang yan na THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME. Nagagawa  natin lahat dahil sa lakas ni Lord, dahil sa lakas na ibinigay niya sa atin at hindi dahil sa sarili nating lakas. Wala tayong kayang gawin ngunit dahil kay Lord nagagawa natin lahat. :)

No comments:

Post a Comment