Friday, April 12, 2013

Busy People, Busy people everywhere


Homeworks. Exams. Thesis. Competitions. Barkada. Gimiks. Vacation Trips. Lablayp. Facebook. Videogames. Lack of initiative. Financial incapability. Unstable decision making. Family background. Lack of talents. Improper time management. Shyness. Young age.

Ilan lang ang mga 'to sa mga dahilan ng marami sa atin kung bakit ayaw pang magserve kay Lord. Kesyo madaming ginagawa sa bahay, kesyo nahihiyang mag-Church dahil madaming kasalanan, kesyo bata pa, marami pa raw oras. E ano nga ba ang pinamumuhay natin sa mundong 'to? Hindi naman tayo nandito para mag-enjoy, magpakayaman, at kung anu-ano pa. Nandito tayo para mamuhay sa Kanya. Kung hindi ngayon, edi kelan? :)

"No time for God? What if God will have no time for You? Think of eternal life now."

Nakita ko to na nakapaskil sa loob ng jeep nung elementary pa ko. Nakakapangilabot diba? Pano nga kung nawalan Sya ng time sayo? Creepy. Pero syempre, di naman Niya tayo iiwan, don't worry. :)

Narito ang ilang aspects na minsan ay nakakasagabal sa pagseserve kay Lord. At narito din ang mga possible solutions. :)

photo from google.

SCHOOLSabi nga nila, edukasyon daw ay kayamanang hinding-hindimananakaw sayo. Kaya naman ang iba, effort kung effort ang binibigay. Minsan nga, ang 5 days na pasok ay kulang at gugugulin pa ang 2 days na pahinga. Kaya ayun, naneneglect ang pagseserve kay Lord. Pag-papaatendan mo ng Sunday "Ay, may project po ako," "Ay tatapusin ko po thesis ko," ay ay ay! Puro ay. Kung tutuusin, hindi dapat 'to maging sagabal sa paglilingkod sa Diyos. Part ito ng ministry natin as Christians. Sabi nga ng isang ate sa Church namin, "WE ARE PART TIME STUDENTS AND FULL TIME CHRISTIANS." This phrase says it all. Pwede nating i-offer kay Lord ang bawat high score natin, at i-share ang unfailing love ni God sa ating mga classmates. Basta do everything for Him! :)

PEER PRESSURE. Dito pumapasok yung barkada. Ang mapanuksong barkada na talaga namang kayhirap tanggihan. Hehe. Kapag kasama mo sila, magagawa mo ang lahat. Kumbaga, sila ang energizers mo. Pwede naman magamit itong aspect na ito para i-serve si Lord. Dapat lang, Siya ang maging center ng friendship nyo. Ayun, and everything else will follow. :))

THE "BATA PA KO" ALIBI. Ayun nga, bata. Maraming pangarap pa na gusto munang abutin. Edi kelan ka pa maglilingkod? Kapag uugud-ugod ka na? Sabi sa Ecclesiastes 12:1 "Remember your creator in the days of your youth..." Kung kelan may lakas pa tayo para magawa ang mga pinapagawa Niya sa atin. Trust me, worth it ang lahat. :)

"MAKASALANAN AKO, PANO 'YUN?" Ito naman yung talamak na reason. Gasgas na nga e. Aba naman friend, lahat naman tayo makasalanan. :)) For all have sinned and fall short of the glory of God, ika nga ng Romans 3:23. Pero eto yung magandang part.

Kahit na makasalanan tayo, unworthy, at madumi, namatay Sya para sa ating lahat. Hindi para sa mga mababait, sa magaganda't gwapo, o sa mayayaman-- PARA SA ATING LAHAT. Yun ang tunay na pakahulugan ng pag-ibig!

"This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins." - 1 John 4:10

So, ano dapat ang response natin ngayon?

Iaalay ang buong buhay sa Kanya. Gawin ang lahat para sa ikararangal ng pangalan Niya. Walang busy sa taong namumuhay para kay God! E ano ba naman ang pansamantalang kasiyahan na bunga ng mga kabusyhan natin ngayon compared sa eternal life na matatamo natin kung mananatili tayo sa Kanya diba? Hardcore!

So dapat, ganito ang itsura ng priority list natin.

  1. GOD
  2. Kahit ano ang second
  3. Kahit ano ang third
  4. and so on...
Basta ang importante, si God ang una. Seek first His kingdom, and everything else will be added unto you (Matthew 6:33).

Ano, BUSY KA PADIN BA? :)

Wednesday, April 10, 2013

ARE YOU READY?

YESSSSSSSSS SUMMMMERRRR NAAAAAAA!!! :)

Tuwing bakasyon nagpaplano ang family niyo para sa Vacation Trip niyo. Siyempre matagal palang eh nagreready ka na. Ililista mo na ang mga dadalhin mo o di kaya naman ay ieempake mo na para pagdating ng araw ng trip niyo eh ready to go ka na. Minsan dino-double check mo pa para makasigurado ka na wala ka talagang naiwan.

CHECK LIST:
✔ Money                        ✔ Clothes                    ✔ Slippers
✔ Passport                     ✔ Cellphone                ✔ Shoes
✔ Place                           ✔ Camera                    ✔ Laptop
✔ Hotel                           ✔ Sunglasses               ✔ iPad                   

Pero what if unplanned ang vacation trip niyo? Bigla ka lang tinawagan ng mga kaibigan mo at nag-ayang pumunta sa Boracay and they will pick you up 10 minutes after mo natanggap yung text nila. Edi dali dali kang mag-aayos ng mga gamit mo, lagay dito lagay doon, kahit ano na! Tapos, pagdating sa Hotel, nakalimutan mo palang magdala ng ganito at ganiyan. Kulang din ang perang nadala mo. Eh paano kung KKB pala tapos sakto lang din ang perang dala ng mga kasama mo? Paano ka ngayon?

Eh kung sasabihin kaya sa June na may Field Trip kayo sa November? Common attitude ng Pinoy siyempre sasabihin sa sarili "matagal pa naman yun kaya saka ko na muna iisipin".

Eh kung alam mong may exam ka next week pero hindi ka nagreview. Ginugol mo ang oras mo kakalaro ng mga computer games at kakagala kasama ng mga katropa mo o di kaya naman inuman TUDAMAX!? Edi pagdating ng exam mo wala kang masagot? Paano ka ngayon?

http://www.revelationillustrated.com/shop/image36.asp
Ito naman ngayon. Paano kung second coming na pala ni Lord ngayon? Oh ano? Ready ka ba? Nakapagready ka ba? Eh kung nagising ka nalang isang araw wala na ang mga kasama mo, RAPTURE. Wala ng tao sa paligid mo. Tsk! Tsk! Naiwan ka na! Hindi mo man lang nakita ang second coming ni Lord at ang masaklap pa...hindi ka kasama sa mga sinundo niya papuntang langit o kaya naman eh nakikita mo ang pag-akyat ng mga kakilala mo kasama si Lord pero hindi ka kasama sa mga yun katulad ng picture na 'to. (aaahhhhh :( ) Magtataka ka pa kung bakit hindi ka kasama sa mga yun. Mapapatanong ka nalang siguro ng:

"Eh good boy/girl  naman ako Lord ah?"

"Kilala naman kita Lord ah?"

"Nagsisimba naman ako Lord ah?"

"Bakkkkyyeeettt?? :( "


Tsk! Tsk! Kahit ikaw pa ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa mundong ito, kahit ipatawag mo pa ang piloto ng eroplano o helicopter mo, hinding-hindi ka makakasama papuntang langit!

Isa lang naman ang solusyon dito eh, YOU HAVE TO BE READY! Kumbaga, malayo palang eh dapat mo ng paghandaan. Kung kinakailangang gamitin ang pagka-GIRL SCOUT o BOY SCOUT mo eh gawin mo! KAILANGAN, LAGING HANDA! :)


Matthew 24:44 "So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect Him."

Oh diba? Parang unexpected visitor lang sa bahay niyo. Magugulat ka sa biglang pagbisita niya. Matataranta ka pa dahil hindi ka man lang nakapaglinis ng bahay niyo. So kailangan pala eh lagi kang naglilinis ng bahay niyo kahit walang bisita para hindi ka na mataranta kapag may unexpected visitor ka.


Yung mga READY sa second coming ni Lord siyempre matutuwa. Hindi man nila alam kung kailan, hindi naman nila nakakalimutan ang paalala mula sa bibliya sa muling pagbabalik Niya. Nakakatuwang isipin siguro na pinaghahandaan mo kung anong magiging reaction mo kapag nakita mo si Lord yung tipong mapapakanta ka siguro ng  I CAN ONLY IMAGINE (click to view) by Mercy Me.  Yung tipong hindi mo alam kung magkakanta ng mga Songs of Praises at magwo-Worship o mapapasayaw ka sa sobrang tuwa kapag nakita mo na si Lord hehe.


Eh yung mga UNREADY naman kaya?

Kakabahan ba?

Tatakbo papalayo?

Magtatago kay Lord?

Pero Don't worry, maaga pa naman, may oras ka pa para magready at magbago.


HOW TO BE READY

Heto ang mga advice ng mga ate at kuya natin kung paano ba talaga maging handa sa muling pagbabalik ni Lord.



Ate Cha
"I-keep na on fire ang relationship sa Kanya, mamuhay na para sa Kanya at hindi para sa ibang tao. Talamak kasi ngayon ang iniisip ang sasabihin at tingin ng ibang tao e. Magiging victorious kung hanggang sa huli (sa pagdating nya or sa pagkamatay) ay ippraise si Lord at kung nashare ang Word at love Nya sa iba. Ang status ko ngayon ay still hoping na maging on fire pa sa Kanya dahil alam ko na lagi ko Syang nafefail."


Ate Clar
"Parang sa friends lang yan eh. 'diba we need to be secured sa relationship natin kay Jesus, meaning we have to be close to Him. (Daily QT, prayer and worship) Yung kumbaga ini-include natin sya sa bawat pangyayari and mangyayari sa buhay natin. Lahat ng natututunan natin sa Kanya lagi natin tinatatak sa puso natin. Parang sa friends, kunwari tayo, bff tayo 'tas ako secured ako sayo alam ko love mo ako and at peace tayo with each other, hindi mo 'ko na-offend ganun. Kapag dumating ka ng surprise sa bahay, okay lang sa akin. I will be glad to see you pa diba. Ganun yun, pag si Jesus dumating and na-offend mo siya (sin), or worse hindi ka Nya kilala (hindi mo sya kinakausap sa prayers, weak faith) sa tingin mo matutuwa ka or matutuwa siya pag nagkita kayo? Hindi diba? Tapos may naalala akong verse, "Depart from me for I do not know you." Sabi nya. And making your presence known to the Lord by constantly talking to Him and doing things for Him by faith. Example, you are faithful sa tithes and offerings mo because you expect and believe God will prosper you financially. You love others kahit mahirap because you honor His word na ganun ang attitude natin dapat, because we know na kapag sinusunod natin ang Word nya, He is pleased."


Ate Yayo
"Siyempre dapat nag-aattend ako every Sunday and sa lahat ng activities sa church. Pero syempre dapat makikita lahat ito sa buhay ko and of course para matupad iyon, kailangan ng prayers and also dapat ginagamit ko din ang mga gifts ko galing kay Lord like talents. Dapat nagwo-work ako para sa Kanya. Lagi dapat maging ready since hndi natin alam kung kailan Siya darating. Hindi din ako dapat magpapadala kahit sa mga simpleng temptations kasi anytime pwedeng dumating si Lord."


Ate Madie

"Accept Jesus Christ as your Lord and Savior and live for Him alone. Always read your bibles din. Huwag lang basahin kundi  intindihin ito---imeditate ito at iapply sa life mo. Kumbaga, ito ang sandata natin at huwag na huwag ikahihiya ang Gospel dahil Good News ito para sa ating lahat. Makisama sa mga taong alam mo na maggrow ang relationship mo Kay Lord at hindi sa mga taong lalo kang mapapalayo sa Kaniya. Huwag ikahiya ang pagiging Kristiyano mo kahit tawagin ka pang weird, oa, sobrang makaDiyos o kung ano pa. Kung lahat ay para kay Lord, never naging nakakahiya yun. Sila ang dapat mahiya dahil alam nilang ang sacrifice na ginawa ni Jesus para sa kanila pero wala lang ito para sa kanila, it was just a history for them. Make fishers of men dahil  mas masayang nagseserve kay Lord kung kasama mo ang pamilya mo at mga kaibigan mo. :-)"


Ate Chin
"As a servant of God gagamitin ko lahat ng strength ko para maserve ang Lord and also, I will keep myself atouched on Him. Lalo ko pang paiigtingin ang relationship ko sa Kanya by using my talents to worship Him. And siyempre, papanatiliin kong on fire sa Kanya at lagi lang siyang itrutrust in all areas of my life. Sa tingin ko sa pamamagitan niyan magiging victorious ako sa pagseserve sa Kanya. I pray na lalo pang lumalim yung relationship ko sa Kanya and lalo pang maging on fire kay Lord. As of now, I am jofully serving Him. :-)"


Kuya Christian
"Kailangan lang na habang kaya pa natin, habang may panahon pa, habang may lakas pa tayo, habang hindi pa tayo kinukuha, habang may pag-asa pa, kailangan alalahanin na natin ang tunay na lumikha sa atin, yun ang ating Diyos na buhay!!! Na ibig sabihin kailangan na habang tayo ay mga kabataan at habang kaya pa nating magserve sa Lord gawin na natin ang lahat nang ating magagawa para sa Lord. So that we have no worries when Jesus comes. Just remember the verse: Ecclesiastes 12:1 "Remember also your Creator in the days of your youth, before the evil days come and the years draw near of which you will say, “I have no pleasure in them” Ang status ko naman sa Lord is: in relationship cause i'm still working for what God wants me to do for Him. Wala ka nang dapat pang marating sa buhay, ang kailangan lang ay mag-patuloy ka lang na naglilingkod for the Lord hanggang kaya mo pa at hanggang sa pagdating nya. :-)"




(I will keep on posting advices of our ate and kuya :) )









Nawa'y makatulong ito sa relationship mo kay Lord. GOD BLESS :)






Tuesday, April 9, 2013

RESTART


Minsan ba sa buhay mo, naisip mo ba na gusto mong magsimula uli?Kumbaga sa game, eh reset? Restart? New game dahil na-GG ka? Erase erase lahat ng nasa past na? Oo, alam ko naisip mo na yan. Wag ka ng mahiya. Lahat naman ata tayo. Kasi lahat tayo nagkamali na, may nasaktan ka, at sino ba namang kakaibang nilalang ang gustong gustong pinapaalala sakanya ang mali niya di'ba? 

GOOD NEWS. Pwede tayong magsimula uli. God is a God of second chances. Minsan nga, pag di nakukuha sa second chance. May third, fourth, fifth, sixth... Di bale, God is also a God of third, fourth, fifth, up to the nth chances pa yan! As long as nagsisisi ka talaga. Merciful at forgiving si Lord. At tayo, dahil human tayo and we are never perfect, nagkakamali at nagkakamali parin tayo, dun kasi tayo mas natututo, eh. Kaya nga we need God each day of our lives.

Anyway.. The Good News. The Gospel. Alam niyo bang sobrang nakokornihan ako dati pag naririnig ko 'yan sa mga tao? Pero ngayon, I consider it the best thing na shinare nila sa akin sa buhay ko. Naliligaw nanaman tayo sa topic. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko bago pa ako nagtalambuhay. Take 2!

The Good News. Bago natin maapreciate ang Gospel, kailangan muna natin malaman kung bakit natin sya kailangan. Parang sa mga tipikal na bagay lang sa mundo. For example! Hindi mo maaappreciate ang subject mo na Calculus kung hindi mo alam kng bakit mo ito kailangang pag-aralan. Lalo na kahirap pa naman nyan. Mapapa-Lord help me ka talaga! haha

Why do we need the Gospel? Why do we need to start over? Icocompare ko ito sa mga tipikal na pangyayari sa mundo natin. Kapag ba hindi mo alam na may sakit ka, ppunta ka sa Doctor? Pag ba pinainom kita ngayon ng gamot ng hindi mo alam kung para saan, papayag ka ba? Hindi di'ba? Pwera nalang kung type mo ang nagpapainom ng gamot sayo. Joke hahaha. Moving on, hindi ka papayag di'ba. Kasi ang alam mo, at ang sabi ng mundo sayo... wala kang sakit. Walang mali sayo. Walang problema. Well, meron. Idiagnose natin ito bago pa nito tayo patayin. Wag kang mag-alala, nandito ang Great Physician natin para gamutin tayong lahat sa sakit na'to. :-)

THE PROBLEM: SIN


May isang napakalawak na gap between us and God dahil dito. Imagine it as a cliff between two people. Tayo ang nasa isang side, si Lord ang sa isa. Napakalalim at ang hirap tawirin di'ba? One cannot come to be with the other. 

Have you ever felt distant from God? Oh, wag ka na uli mahiya. Lahat tayo naramdaman yun. Sa sobrang gusto natin na mapunan yung gap na yun, minsan akala natin pag nagsimba na tayo, o kapag nagmeditate tayo at nag-aral about sa religion natin, magiging closer na tayo Sakanya. Pero since ang gap na nagsseparate sa atin kay God ay hindi intelektwal o pisikal, it won't do us any good. Yung bangin na naghihiwalay sa atin Sakanya ay moral. 

So ano yung malawak na bangin na yun? 

"Surely the arm of the LORD is not too short to save, nor his ear too dull to hear. But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear." -- Isaiah 59:1,2

Gaya ng namention kanina, moral gap ang meron tayo kay God. Si God, holy. Ang tao, hindi. Si God, mabuti. Ang tao, hindi. Kasi lahat tayo nagkasala. Kaya lahat, napahiwalay kay Lord. At lahat tayo, magbabayad sa kasalanan natin. Ano ang consequence? ETERNAL DEATH.

". . . for all have sinned and fall short of the glory of God . . ." --- Romans 3:23

"For the wages of sin is DEATH. but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord." --- Romans 6:23

Kabigat no? Death agad. Well, ganun kasi tlga eh. Nadiscover ko kung ano ba talaga ang nagawa ko dahil sa kasalanan ko. Pero syempre, kung may problema.. May solusyon.

THE SOLUTION: GOD'S SACRIFICE AND SUBSTITUTION

"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” -- John 3:16

Siguro mapapatanong kayo kung bakit yun yung solution. Ang kasalanan kasi ng mundo, sa sobrang bigat at dami, nangailangan ng precious sacrifice. Ang Unico Hijo ng Panginoon. Siguro kilala niyo na kung sino yun. Si JESUS CHRIST, walang kasalanan pero sya yung nagsuffer para sa atin. Dahil sakanya, kaya righteous ang mga naniniwala Sakanya ngayon sa paningin ni God. Dati, I didn't understand kung bakit ganun ang ginawa ni God. Bakit binigay Niya yung anak Niya na walang kasalanan para sa atin, eh hindi naman natin deserve? Ngayon naiintindihan ko na. Kasi God loves the world so much, at ayaw nyang mahiwalay tayo sakanya forever. Kumbaga, si Christ ang naging TULAY para ma reconcile tayo kay God. Para makasama natin sya.

". . . Then Christ would have had to suffer many times since the creation of the world. But now he has appeared once for all at the end of the ages to do away with sin by the sacrifice of himself. Just as man is destined to die once, and after that to face judgment, so Christ was sacrificed once to take away the sins of many people; and he will appear a second time, not to bear sin, but to bring salvation to those who are waiting for him." -- Hebrews 9:26-28

"God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God."  -- 2 Corinthians 5:21

Grabe di'ba? Parang ganito yan, eh. Yung parang nakulong ka, tapos napatawan ka na ng death penalty.. I-llethal injection ka na friend! Tapos bigla bigla, nung itutusok na sayo yung needle eh biglang tumawag ang Presidente, at sasabihin na... 

"Laya ka na.. Pinyansahan ka na." 

Grabe di'ba! Sino ba namang hindi matutuwa dun. Hindi ka na nga mamamatay, laya ka pa sa pagkakakulong! Kung ako siguro, maglululundag pa ako sa tuwa.Yun ang ginawa ni Jesus Christ para sa atin, madlang pips! 

Siya ang namatay para sa mga kasalanan natin. Sya lang ang qualified na maging kapalit ng mga bongga nating kasalanan dahil nabuhay siya ng walang kasalanan.

"In him we have redemption through his blood, the forgiveness of sins, in accordance with the riches of God’s grace . . ."  -- Ephesians 1:7

"But now in Christ Jesus you who once were far away have been brought near through the blood of Christ."   --- Ephesians 2:13

Ngayon alam na natin kung bakit natin kailangan ang GOOD NEWS, baka maitanong mo.. 

"EH ANO NAMAN ngayon? So what?!" 

THE RESPONSE: RECEIVE GOD’S GIFT BY FAITH

Ano ang tipikal na gagawin mo kapag binigyan ka ng gift? Hindi ba madalas nating sasabihin... "Thank you!" At talaga nga namang thankful ka kasi hindi mo ito kailangang suklian o bayaran kasi nga gift nga  ito sayo. Eh ano naman ang connection ng salvation sa gift ate Clar? Heto na. Ready?

First, let us define GRACE.
Hindi po ito yung kaibigan kong maliit at cute haha.
Grace - God's gift of undeserved sanctification
Some people think good works are a way for salvation. But what does God say?

"For it is by grace you have been saved, through faith—and this not from yourselves, it is the gift of God—not by works, so that no one can boast."  -- Ephesians 2:8,9

By grace ang salvation natin sabi ni Lord. At ano na uli ang definition ng grace? God's GIFT of undeserved sanctification. GIFT. GIFT. GIFT.

Ang mga gift, free. Hindi naman sguro pagkabigay sa'yo ng gift sabay sasabihin eh... "500 lang yan bro. Kunin ko bayad sa katapusan ha." Ang gift of grace ni God sa atin.. FREE.

The world's equation:
GOOD WORKS + RELIGION  = SALVATION
WRONG!

God's equation:
GRACE + FAITH = SALVATION



THESE ARE OUR ATTEMPTS TO REACH GOD, which fails us every time.
We are saved by God’s grace when we realize our need for a Savior, turn from sin, and receive Jesus Christ as Lord and Savior, putting our trust in Him alone for salvation.  If you put your faith in Christ, you acknowledge and repent for your sins, YOU WILL BE SAVED! If you are saved, you are now in Christ. You have been given a NEW HEART and a NEW SPIRIT, na magreresulta sa good works. 

If you give to the poor, or do anything good for people.. it is because God has been good to you and gumawa ka ng mabuti kasi you want to show Him you're thankful. Not because we're trying to get closer to Him. Because we already are, by the blood of Jesus!

You become a Christian NOT by doing, but by BELIEVING.

From the 121 booklet:

Prayer for Salvation
Heavenly Father . . . I acknowledge that the separation between us . . . is because of my sin . . . I confess that I have sinned . . . and have fallen far short of Your glory . . . I thank You that You sent Your Son, Jesus . . . to pay the penalty for my sin . . . I believe that He died on the cross for me . . . I believe that You raised Him from the dead . . . I am sorry for my sins . . . and I ask You to forgive and cleanse me . . . I want to turn away from everything the Bible calls sin . . . and receive You as my Lord, Master, and Savior . . . help me to love, serve, and obey You . . . for the rest of my life . . . in Jesus’ name . . . Amen!

If you have sincerely prayed that prayer, the Bible promises that the old has gone and the new has come! 

"Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!"
2 Corinthians 5:17

Welcome to your new life! :)









Friday, April 5, 2013

A FRIENDSHIP THAT WE COULD EVER IMAGINE

Ang hirap naman siguro kapag loner ka. Wala kang nakakausap, walang mapagsabihan ng mga problems mo, at wala kang mashare-an ng mga happy moments mo. Serious ka lagi, madalang magsmile, at tahimik lagi. Lagi ka ring nasa bahay, madalang mamasyal, at wala kang hilig sa mga Social Networking Sites (SNS). Oh di kaya naman, may kaibigan ka nga dahil no choice ka lang dahil wala kang mapagtanungan ng mga assignments, mapaghiraman ng books, o kung ano pa.

Ang saya kaya magkaroon ng mga kaibigan, yung hindi lang isa kundi marami talaga! Yung tipong wala ka lagi sa bahay dahil magkakasama kayo, yung inipon mo ng isang linggo eh mawawala ng parang bula sa isang araw lang kapag magkakasama kayo haha, yung may mag-aadvice sayo kapag problemado ka, at higit sa lahat...yung napapainis ka, napapagalit ka, at napapaiyak ka dahil pinagtitripan at niloloko ka nila! HAHA

Ayon sa aking source, may dalawang uri raw ng friendship. Ating alamin!

1. ONLINE FRIENDSHIP
Sila yung mga kaibigan mo sa mga Social Networking Sites katulad ng Facebook, Twitter, at Tumblr. Maaari ring maging loner kahit na marami kang online friends dahil wala kang personal interactions sa kanila at isa pa delikado rin ito dahil maaari kang maloko. Marami na ring mga love stories ang sumibol online, yung iba nagwork at yung iba naman hindi.

2. OFFLINE FRIENDSHIP
Dito, may personal interactions ka sa mga kaibigan mo. Nakikita mo sila, nakakasama, nahahawakan...yung tipong kapag ginulat ka eh talaga namang makakatikim ng hampas HAHAHA, nakakasabay kumain, at naco-comfort ka kapag may problema ka at gagamitan ka pa ng POWER HUG! hehe
Marami tayong mga kaibigan, meron sa bahay, sa church, sa school, sa work, at kung saan pa tayo pumupunta. Heto ang ilan sa mga kaibigan ko. :)

MEET MY FRIENDS

COLLEGE

                              Ate Wendy
Siya ang Life Group Leader ng Tres Marias. Nagm-meet kami kapag may free time  basta once a week para magshare-an at pagpray-an lahat ng mg concerns namin. Malaki ang naitulong niya sa pagpapalago ng spiritual life ng grupo. Kahit super busy siya, talagang kakayanin at gagawan niya ng paraan basta mameet niya lang kami. Maganda, super talino at sobrang bait talaga, madaldal, approachable, at "lumaLABLAYP" din hehe (peace ate :D).                                                                                                                                                                                                                                                                                 
                                                                                      Abbey

Siya ang binansagang Pastora ng mga classmates namin hehe. Napakareligious kasi niya at laging shine-share ang word ni God kung may pagkakataon. Hindi rin nawawala si God sa mga essay na sinusulat niya. Siya rin ang unang nagshare ng Gospel sa akin kaya naman thankful ako kay Lord dahil siya ang ginamit niya para magkaroon ako ng personal na relasyon sa Kaniya ngayon. Mganda siya, matalino, mabait, magaling sumayaw, at matakaw (hehe peace! :D).
  
                              Cherleng
Siya ang madalas kong nakakabangayan sa kanilang dalawa ni Abbey haha. Lagi kasing magkasalungat yung mga gusto namin :D. Committed din siya kay Lord at active sa church. Madaldal din siya at laging tinutukso ng TROPANG UNO hehe. Siya rin ang rich kid sa aming tatlo, yung tipong sa oras ng pangangailangan, siya talaga ang malalapitan mo (oh alam niyo na ah? hahah joke lang siyempre :D) Matalino siya lalo na sa math pero huwag lang siyang pagmemoryahin ng sobrang haba katulad na lamang ng Rizal's Life, Technical Writing, at Philippine Literature dahil tiyak na mababaliw na siya HAHAHA. At ang pinakanatatawa ako sa kaniya ay lagi siyang late sa Physics, yung tipong kapag exam eh ikaw pa ang kakabahan dahil wala pa siya haha.

Trivia:
Kaming tatlo ay binansagang TRES MARIAS ng TROPANG UNO haha.

HIGH SCHOOL


                                      Clar 
Kaibigan ko siya since second year high school. Tinuturing namin ang isa't isa as real sisters na talaga. Alam namin ang problema ng bawat isa yung tipong kahit minsan sobrang personal na ito. Lagi kaming napapagalitan dahil lagi kaming magkasama haha eh sa BFF ang peg eh? HAHA. Halos sabay kaming naggrow sipiritually. Naaalala ko na sobrang kinukulit ko siya lagi na umattend sa LifeBox pero maraming beses din niya akong tinanggihan. Nadadaan talaga lahat sa prayers at sa isang notebook na dinoodle na may bible verse na nakasulat sa loob ang katapat niya hehe Thank You Lord. Kailangan talaga ng matinding effort sa taong 'to haha. At ngayon, nakakabless siya dahil napakacommitted na niya kay Lord, as in kung noon naiilang kami pag-usapan si Lord, ngayon eh halos oras oras yata pinag-uusapan namin how God transformed us. :)

CHURCH
Ito ang grupong WOF. Mala World of Fun haha at talaga namang sasaya ang mundo mo kapag sila ang kasama mo (nanu kano??) HAHA. Anyway, We're On Fire ang meaning niyan. Nag-aalab ang puso namin, sobrang excited, at sobrang passionate sa pagse-serve kay LORD. :)

                                                                                     Chin Chin
Siya ang bunso ng grupo. Hindi halata na siya ang pinakabata dahil sa way ng pagsasalita niya at isa pa eh fashionista siya, daig pa ang mga ate ng grupo haha. Marami ring nahuhumaling sa kaniyang kagandahan at personality kaya naman heto kami't mala Guwardiya Sibil HAHA, at higit sa lahat...ang Best Actress ng WOF. Matalino, mabait, at moody...yung tipong oo na lang sa lahat para hindi magalit :D (peace chin haha) at higit sa lahat siyempre committed kay Lord :)


                                   Yayo
Siya ang singer sa grupo, yung tipong mapapalayo ka nalang kapag kumanta siya dahil tinatry niyang talunin ang mala THE VOICE na boses naming lima HAHA. Fashionista rin siya, yung tipong araw-araw bumibili ng damit hehe, moody rin...yung tipong dapat lagi kang aware sa mga sasabihin mo dahil medyo sensitive siya, maganda, matalino, matapang...yung tipong yari ang mga stalker mo medyo astigin kasi hahaha, at higit sa lahat committed din kay Lord.

                           Bella
Siya ang mukhang bunso ng grupo dahil medyo malumanay kasi magsalita at malambing pero hindi ko naman sinasabi na tahimik siya haha. Sa aming magkakasama, siya ang iyakin! haha kapag nanonood ng movies at kapag medyo nakakaiyak ang speech ng kung sino man hehe . Maganda, matalino, malakas ang loob, matakaw hehe, at ka-bonding ko madalas sa school "'te madie sun cow?" haha jejemon lang haha joke lang :D  
                                                                                                                       
                                                                                          Cha
Siya ang pasaway na ate sa grupo haha. Hobby niya yata ang magprank at  mahilig talagang mang-asar kaya naman madalas niyang napapaiyak ang mga miyembro ng WOF tsk! tsk! arooooo! :D Maganda, matalino, mabait, maraming ideas sa mga surprises, singer...actually mala YouTube sensation sila ni Bella HAHAHA at siyempre napakacommitted talaga kay Lord. :)




                                Ate Jade
Siya ang pinaka-ate sa grupo. Maganda, mabait, magalang, malalim magtagalog hehe, matalino, napaka-understanding na ate, at siyempre committed talaga kay Lord. Napakapassionate niya sa pagseserve kay Lord through teaching students doon sa church nila. Madalang lang namin siya makasama dahil taga Cavite pa siya. Nagbabakasyon naman siya dito sa Tarlac paminsan-minsan.


Yan ang mga kaibigan ko! Ang mga nakakasama at makakasama ko sa buong buhay ko. Talaga naman on fire ka palagi at secured na hindi mapapahiwalay kay Lord kung sila ang kasama mo. Yung iba kasi naghahanap ng mga kaibigan na may kapareho nilang personality para madaling pakisamahan. Yung ibang magkakaibigan naman eh nagkakasiraan, pero kung ganito ang mga kaibigan mo...walang mangyayaring ganun, bakit? Because we have one thing in common. Ano yun? Committed kami lahat kay Lord. Walang leader leader sa grupo na 'to. Tanging si Lord ang leader ng friendship namin. We have a God-Centered Relationship. Masasabi ng iba na okay ang friendship nila kahit wala si Lord. Pero someday, marerealize rin nila na may kulang sa pagkakaibigan nila.

At kung personality mo talaga na hindi makipag socialize, yung tipong taong bahay ka lang talaga at tahimik, hindi ka tunay na loner. Hindi mo lang binubuksan ang mind at heart mo kaya hindi mo kilala ang gustung-gustong makipagkaibigan sayo. Sino yun?

MEET OUR PERFECT FRIEND


Si Lord ang perfect friend nating lahat. Siya ang tipo ng kaibigan na hindi ka talaga iiwanan. Kahit na ayaw mo siya o hindi mo siya kilala ...still, hindi ka pa rin Niya iiwan. Nakay Lord na ang lahat ng qualities ng isang TRUE FRIEND. Gustung-gusto ni Lord na makipagkaibigan sa'yo. Hindi natin nakikita si Lord kaya naman gumawa siya ng paraan upang makita siya physically through Jesus Christ. Inako pa niya ang parusa sa mga kasalanan natin dahil sa sobrang pagmamahal niya sa ating lahat. He is really a friend that we could ever imagine, yung gagawin lahat alang-alang sa mga kaibigan niya. Hindi man natin siya nakikita, makakausap naman natin siya through prayers. Napakamapagmahal talaga ni Lord. Kaya kung feeling mo wala kang kaibigan, nagkakamali ka diyan. Buksan mo lamang ang isip at puso mo sa Kaniya, at tiyak naman na magkakaroon ka ng kaibigan na pangwalang hanggan. Sinasabi ko sayo, gustung-gusto Niyang makipagkaibigan sayo. :)


Tuesday, April 2, 2013

KAYA KO PA BA?

Sino ba naman ang makakapagtrabaho ng maayos kung puno ang laman ng isip mo ng mga problema mo. Parang ako lang, ewan ko ba kung bakit pa ako nakakapagblog ng ganito eh meron akong problema ngayon. Napagtanto ko lang na kapag nagkakaproblema pala ako, lalo kong nakikilala ang sarili ko. Ganun naman talaga yun eh, mas kilala ka pa ng ibang tao kaysa kilala mo ang sarili mo. Kapag may problemang biglang dumating, dalawa lang yan, either matataranta ka o tatahimik ka lang, yung tipong tahimik na para kang masisiraan ng ulo haha. Doon ako sa tahimik lang, yung tipong naghihintay lang ng balita sa text bahala na kung positive or negative, nakaupo lang at hawak ang cellphone while watching Smile, Dong Hae (haha) at lipad ang isip kaya hindi mo napapansin na may kumakausap pala sayo. Hindi ko naman masasabi na calm ako kapag may problema ako actually nanghihina pa nga ako at pinagpapawisan ng sobra haha hindi lang talaga ako yung yung taong maingay ang pagrereact. Natanong mo na rin siguro ang mga ito sa sarili niyo: "Christian naman ako pero bakit naghihirap pa rin ako?", "Malapit naman ako kay Lord pero bakit ang dami ko pa rin problema?", at "Sa dami ng tao sa mundong ito bakit ako pa ang hindi pinapansin ni Lord?".
Ang buhay Kristiyano ay hindi parang Nestea na "Dito ang gaan, dito ang saya, at dito ang sarap". Akala nila na kapag Christian ka eh wala kang problemang iniisip at mga hirap na nararanasan. Yung iba naman. akala nila na kapag Christian ka eh pinapabayaan ka na ni Lord. Actually, hindi tayo ang pinapabayaan ni Lord...well, hindi naman talaga niya tayo pinapabayaan kapag may problema tayo at kahit kailan hindi talaga tayo pababayan ni Lord at ang totoo ay problema ang hinahayaan ni Lord (what??). Sa aking sariling pananaw, hinahayaan ni Lord na magkaroon tayo ng problema, pero hindi ko sinasabi na si Lord ang nagbibigay sa atin ng problema. Ang isang kasagutan sa mga katanungan na yan ay...MALAPIT TAYO KAY LORD KAYA MERON TAYONG MGA PROBLEMA. Ayaw kasi ng evil na masyado tayong close kay Lord. Maihahalintulad ko siya sa isang sitwasyon na nawawalan tayo ng ganang kumain kapag masakit ang tiyan at ngipin natin. Gusto ng evil na mawala ang focus natin kay Lord kaya tinatambakan tayo ng problema at mga pasakit. Pero kailan man ay hindi malilinlang ng evil si Lord. Sa ginagawa niyang pagpapasakit sa atin ay mas lalo pa tayong mapapalapit kay Lord...yun ay depende kung gaano ba talaga natin pinagkakatiwalaan at kung gaano katas ang FAITH natin kay Lord :)
Mali rin ang paniniwala na problema ang nakakapagpalakas sa atin. Faith kay Lord at si Lord ang nagbibigay ng kalakasan sa atin. Hindi rin tayo ang maaaring sabihan ng malakas kapag nakayanan natin ang isang problema, si Lord pa rin ang malakas kaya nakayanan natin yun. Sabi nga sa scriptures... I CAN DO ALL THINGS... - kaya nating gawin ang lahat at kaya nating mapagtagumpayan lahat. Ngunit minsan akala natin ay nagagawa natin ang mga yun dahil sa sarili nating kalakasan. Nakakalimutan natin na may kasunod pa ang mga salitang yan na THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME. Nagagawa  natin lahat dahil sa lakas ni Lord, dahil sa lakas na ibinigay niya sa atin at hindi dahil sa sarili nating lakas. Wala tayong kayang gawin ngunit dahil kay Lord nagagawa natin lahat. :)

Well, it all starts here -----> LOVE


       LOVE...grabe! kahit sino na yatang nakikita o kakilala mo ngayon...isang tingin mo palang sa kanila, mukhang IN LOVE na! Mapa bata man o matanda, kulang nalang pati fetus lumalove life na rin ngayon. Love na yta ang word na may pinakamaraming kahulugan sa mundong ito. Kung susumahin, daig pa ang mga math books at med. books sa kapal nito. Heto ang ilan lamang sa mga nalikom kong impormasyon tungkol sa ibat- ibang kahulugan ng PAG-IBIG ayon sa mga cheesymosa! sa tulong ng ating kaibigan na si GOOGLE.

1. Love is blind.  Ito yung tipong wala kang pakeelam kung ano siya at kung sino siya, mapa gwapo/maganda man o hindi, kahit ano pang ugali niya..masama man o hindi basta ang mahalaga ay mahal mo siya!

2. Love is at first sight. Ito yung tipong tumitigil ang ikot ng mundo mo ng isang minuto at apatnaputtatlong segundo with matching background music entitled SA ISANG SULYAP MO. 
''Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, 
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, 
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.''

Mala  Mang Inasal lang ang peg (haha). ALAM NA!

3. To care about a person more than you care about yourself. Ito yung tipong baliw na baliw ka na sa pag-ibig. Ginagawa at kinakaya mo lahat para sa taong mahal mo. Wala ka ng pakeelam kung nanaghihina ka na o humihirap ka na. Basta gagawin mo lahat para sa kaniya.

4. An unexplainable good powerful internal feeling. Sa tagalog, ito raw yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag. Napaka-SUPERLATIVE naman ng definition na 'to, good na, powerful pa. Ito yung tipong sa sobrang hindi mo ito maipaliwanag, otomatiko ka na lamang mababaliw kahit anong oras.

5. Finding someone who completes your puzzle. Kasinlalim ng taong nagsabi nito ang Marianas Trench. Kulang na lang ay isama pa niya si Aryana na kakatapos lamang magtaping ngayon haha. Ang Pag-ibig daw ay parang isang puzzle na kung wala ka ay hindi mabubuo ito at parang isang mapa na nawawala ang kadugtong nito kaya hindi mahahanap ang nawawalang kayamanan.

Kahit tanungin man ang mga kabataan ngayon, mayroon at mayroon silang masasabing kahulugan ng pag-ibig. Ito ay ihahalintulad ko sa isang virus na madaling kumalat at lumaganap. Komento pa nga ng iba na kung wala kang love life, hindi ka IN! (ouch!) Yung tipong mapapakanta ka na lamang ng in or out ni Sandara Park na sikat na sikat noong 2009.

Am I IN or OUT?

Masyado yatang dinibdib ng mga sangkatauhan ngayon partikular na sa mga kabataan ang tanong na ito. Elementarya pa lamang may bf/gf na! Ganyan kalala ang sitwasyon pagdating sa pagamamahal. Ang tawag dito...MAKASANLIBUTANG PAGPAPAKAHULUGAN NG PAG-IBIG  (MPNP). (ano raw?)

Ganito ang mga halimbawa ng MPNP. Ating suriin: 
1. TOTOO BANG LOVE IS BLIND?
2. TOTOO BA  ANG LOVE AT FIRST SIGHT? 
3. TAMA BANG IBUHOS ANG LAHAT NG LAKAS MO PARA SA TAONG MAHAL MO?
4. HINDI NGA BA TALAGA MAIPALIWANAG  ANG LOVE? 
5. SINO NGA BA TALAGA  ANG TAONG MAKAKAKUMPLETO SA PUZZLE NA YAN HAH?

      Actually ang pag-ibig hindi naman talaga bulag. Sadyang mga tao lang talaga ang nagpapakabulag sa MPNP1. Siguro medyo naguluhan kayo. LOVE IS BLIND tapos LOVE AT FIRST SIGHT? lokohan lang? haha. Marami akong nabasa at napanood na pelikula tungkol sa love at first sight. Yung tipong hinanap pa ng isang lalaki ang babaeng pumukaw sa kanyang atensiyon noong una niya itong makita at noong nahanap niya ito, sila'y nag-ibigan ng ilang buwan lamang at naghiwalay din. Naging sila lamang dahil Public ang paghahanap ng cheesy guy na ito sa girl, yung tipong broadcast pa. Sobrang pagmamahal naman yata ito. Nawawalan ka na ng oras para sa sarili mo. Ito yata ang tipong MPNP1 na dugo, pera, lakas, at pawis ang ububuhos mo para lamang sa taong mahal mo. Ang love ay maipapaliwanag naman talaga. Kailangan lamang natin buksan ang ating puso't isipan at kailangan ng matinding pag-unawa para maipaliwanag ito. Tulad ko, ng dahil sa pag-ibig, nasasabi ang lahat ng ito. 

   Sino ba naman ang makakapasok kung nakalock ang pinto? Paano makakaakyat sa next floor kung walang susi ng elevator sa larong 100 Doors of Revenge? Isa lamang ang susi sa mga katanungan na naisulat sa taas. Ang dapat lang natin gawin ay alamin ang kahulugan ng MNPNP.

MAKADIYOS NA PAGPAPAKAHULUGAN NG PAG-IBIG

Well, it all starts here -----> LOVE
       Ang lahat ay nagsimula sa PAG-IBIG na mayroon ang Diyos para sa ating lahat. Nabubuhay tayo ngayon hindi dahil sa pag-ibig natin sa iba kundi dahil sa pag-ibig sa atin ng Diyos. Isang patunay dito ay nang inialay ng ating ng ating Diyos Ama ang kaniyang kaisa-isang anak na si Jesus Christ para tayo ay malinis sa ating mga kasalanan at karumihan. Ito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay siksik, liglig, at umaapaw. Ibig sabihin ay kailabn man ay hindi nagkulang, SOBRA SOBRA PA! Ganyan tayo kamahal ni Lord. Hindi naman niya tayo binabawal na umibig sa iba ngunit ng dahil sa MPNP ay nagiging iba ang purpose at reason natin kapag nagmamahal. Madalas na napapasobra ang pagmamahal natin sa ibang tao kaya nakakalimutan natin kung sino ang tunay na nagmamahal sa atin. Natutuon ang atensiyon ng karamihan sa atin MPNP. kaya ang sagot sa katanungan na kung sino nga ba talaga ang makakakumpleto sa puzzle na nasabi ay...TANGING SI LORD LAMANG AT WALA NG IBA. :)