Saturday, July 19, 2014

To the better you :)

Actual title: TO THE BITTER BETTER YOU :)

Uso ngayon ang pagiging bitter. Halos lahat na daw kasi, nasaktan, kaya naging ganun... BITTER.
(Image from spiritofdreams101.deviantart.com)
Hindi lang sa mga nagkaroon na ng special someone ang mga bitter, minsan.. Basta nadaya, basta naoffend ng kahit sino, mapa kaibigan, classmate, or even kapamilya.. Ayun na. Simula na ang ampalaya manner! Teka... Bakit nga ba kasi may mga bitter? Bakit hindi natin makalimutan ang mga masakit na bagay na nasabi o nagawa sa atin? We tend to be unforgiving, at dahil dito, the pain and hate never leaves us at all.


Sa panahon ngayon, hinding hindi natin maiiwasan ang maoffend. Lahat naman siguro tayo, naoffend na di'ba? Especially pa kung closest friend mo yan, masasaktan at masasaktan ka niya. It is true that the people who will more likely to hurt us are the ones who are closest to our hearts. Minsan yung hindi ka lang sinama sa lakad, minsan may masasabi sa'yo na hindi mo magugustuhan, o minsan kahit yung simpleng nakalimutan kang kamustahin, maiinis ka na.  Pero nasa saiyo kung palalakihin mo ito, o magpapatawad at magmmove-on ka nalang.

Isinulat ang post na ito para matulungan ang mga tao na nahihirapang magpatawad. If alam mo na isa ka sa mga yun, keep reading. Because you need to know what to do with that pain, at alam ko mabigat na para saiyo.

For starters, unforgiveness and bitterness are NOT from God! These two will leave you miserable, stuck, and hurting in the corner. Papasanin mo sila hanggang hukay, unless di mo sila aalisin sa likod mo. Dahil kung sila lang, hinding hindi sila aalis sa tabi mo. 

Anyway, today I want to share to you guys ang isang Parable in relation to the topic: Forgiveness.

The Parable of the Unforgiving Servant


Then Peter came and said to him, "Lord, how often shall my brother sin against me, and I forgive him? Until seven times?"
Jesus said to him, "I don't tell you until seven times, but, until seventy times seven". Therefore the Kingdom of Heaven is like a certain king, who wanted to reconcile accounts with his servants. When he had begun to reconcile, one was brought to him who owed him ten thousand talents. But because he couldn't pay, his lord commanded him to be sold, with his wife, his children, and all that he had, and payment to be made. The servant therefore fell down and knelt before him, saying, 'Lord, have patience with me, and I will repay you all!' The lord of that servant, being moved with compassion, released him, and forgave him the debt.
"But that servant went out, and found one of his fellow servants, who owed him one hundred denarii, and he grabbed him, and took him by the throat, saying, 'Pay me what you owe!'
"So his fellow servant fell down at his feet and begged him, saying, 'Have patience with me, and I will repay you!' He would not, but went and cast him into prison, until he should pay back that which was due. So when his fellow servants saw what was done, they were exceedingly sorry, and came and told to their lord all that was done. Then his lord called him in, and said to him, 'You wicked servant! I forgave you all that debt, because you begged me. Shouldn't you also have had mercy on your fellow servant, even as I had mercy on you?' His lord was angry, and delivered him to the tormentors, until he should pay all that was due to him. So my heavenly Father will also do to you, if you don't each forgive your brother from your hearts for his misdeeds."
— Matthew 18:21-35, World English Bible
 Note: 
  1. Greek ten thousand talents; a talent was worth about 20 years of a day laborer’s wages.
  2. Greek a hundred denarii; a denarius was the usual daily wage of a day laborer

You see, kahit gaano pa kalaki yung utang nung servant, the king still forgave him. Moreover, he cancelled the debts, and RELEASED HIM. 

Yun na yun, wala sayang hininging kapalit o mga kondisyon para mapatawad siya! 

Akalain mo yun! Ganun ganun lang.. and yet, what did he do to his fellow servant? Just as the underlined words said.. He grabbed him, took him by the throat and when the other servant begged, what did he do? He had him thrown in prison!!!! what a guy! Ginawa ba nung master sakanya yun nung nagmakaawa siya? No! This servant did exactly the opposite of how he was treated. He was treated with goodness, and yet he treated others with cruelty. And in the end, because of his unforgiveness, ibinigay sakanya nung master what he really deserved. Nawala yung mercy.

This is the problem with us. Hindi tayo maka-let go. Hindi natin mabitawan ang mga pagkakamali ng iba sa atin. Yes, I know you've been hurt. I know masakit, mahirap, but nonetheless, God calls us to forgive. 


One more thing we should remember about forgiveness is that it should be limitless.


"Then Peter came and said to him, "Lord, how often shall my brother sin against me, and I forgive him? Until seven times?" Jesus said to him, "I don't tell you until seven times, but, until seventy times seven".
 - Matthew 18:21-22

Seventy times seven. Ilan ba yun? *awkward silence*..........  Haha, nevermind. Kung iisipin, ang dami di'ba? Kaloka si Lord. Pero it only means kahit ilang beses pa tayong maoffend at masaktan, what is our response? FORGIVE.

Pastor Robert Hern once said from one of his preachings that forgiveness is like a reset button on a pc when it hangs. Hindi ba kapag naghang ang pc, wala syang maprocess, at wala kang matatapos? Nandun lang siya at nakastuck. Walang nararating. We need the "reset" button so that we can make the system run again and give it a nice restart. Ganun din tayo, we need the "reset" so we could move. So we could "run" our systems once again, with a fresh restart. Intro palang lahat yun, heto palang yung topic! Hahaha :))


First, WHY FORGIVE?!?!?!

Baka isa ka sa mga ngsasabi na...
 "Masakit ate eh, hindi mo lang kasi alam ang ginawa niya sa akin. Bakit ko siya papatawarin??"
 "Hindi pa ako ready. I'm still hurting."
Let me tell you this.. It doesn't matter. It doesn't matter kung sino ang tama o mali sainyo. Sadya man niya o hindi.. What matters is that, you forgive! You let go.
Kung hindi mo parin kaya, just remember that forgiveness is NOT an emotion. It is a choice. Sometimes masakit parin, mahirap parin. It will continually hurt everytime you remember, but everytime it hurts, continually forgive the person. And when you finally decide to forgive, your emotions will soon follow.

Let's take a look kung ano nga ba ang sabi ng bible tungkol sa unforgiveness. I am not going to sugarcoat the message, I will say it as it is said on the Bible. Nabasa mo na ba yung parable sa taas? Yes, that's it. And did you notice verse 35? Yes, yun nga. If you do not forgive other people from hurting you...

 "..... So my heavenly Father will also do to you, if you don't each forgive your brother from your hearts for his misdeeds."


Yes, that's true. I'm sorry if it is scary, but it's the Truth. That's what Jesus said. It doesn't get any more direct than that. 

Second, HOW DO WE FORGIVE?

Paano nga ba magpatawad? Here are the things na kailangan nating maintindihan para matulungan tayo sa pagpapatawad:
  • We owe a debt we could NEVER repay on our own efforts.
Balang araw, haharap at haharap tayo kay Lord and we will all settle an account from Him. Every word, every thought, and every action we did, we will account for those. Kung nahihirapan kang magpatawad, just think of that thought.. We owe a debt impossible to pay on our own, and that debt is SIN. We needed God's grace, and that is Christ. Just think, pause.... think of how you offended God, how you sinned and hurt Him, kung gaano kalaki ang utang natin sakanya. Imagine, lahat yun pinatawad nya, just like what the king did to the servant in the parable.. Lahat yun nadisregard, the moment we begged Him and we repented. Wow.. Hindi ka pa ba maiinlove kay Lord nyan? Hehe :)

  • Forgive just as how God forgave us.

"Bear with each other, and forgive anyone who does you wrong, Just as Christ has forgiven you."     -  Colossians 3:13 
" Be kind and merciful, and forgive others, just as God forgave you because of Christ."                   - Ephesians 3:32

Paano nga ba nagforgive si God? Yung parable na nasa taas, hindi lang yun props mga te. Hehe, yun po yung example kung paano tayo inabswelto ni Lord sa mga mali natin from the past. You see, God's forgiveness is so great, it came with NO CONDITIONS! As in wala! 0% interest kumbaga. The parable said that when the King forgave the servant, he took pity on him, cancelled the debt, and let him go. Hindi naman niya sinabi na..
"Sige, papatawarin kita, pero kailangan mong gawin to, gawin yan, pumunta ka dito, tapos diyan, para complete yung pagpapatawad ko sa'yo." No. He never said that. He just forgave us, that's it. Walang kondisyon. Wow, how could we not love that kind of God, di'ba?
Let's take a look how the king forgave.

"He took pity on the servant."
Our God is never heartless. He loves us and hindi niya tayo matitiis, kapag humingi tayo ng tawad. He will look at us with eyes filled with love at kakalimutan na nya lahat ng "utang" natin Sakanya once we repent. That is how loving and merciful our God is.


"The king cancelled the debt, and LET HIM GO."
No copyright intended
Wala na nga syang utang, pinakawalan pa siya. Hindi katulad natin kapag minsan na binabalik pa natin yung mga mali ng mga tao sa atin kapag naiinis tayo, We let them go. Ibig sabihin, hindi na natin sila itatali sa mga maling ginawa nila, hindi na tayo manunumbat, hindi na natin panghahawakan yung mga kasalanan nila sa atin. Because that is how God wants it. And that is how God forgave us.
Noon bang nagrepent tayo kay God, nilabas muna niya yung listahan ng mga kasalanan natin at kinuwenta niya muna iyon lahat? Hindi naman di'ba? He simply forgave us. That's it. At dapat ganun din tayo sa mga kapwa natin. No matter what. We just leave it all to Jesus.

Kailangan pa ba niyang magsorry para mapatawad ko siya?

No. Hindi na nila kailangang magsorry para lang mapatawad mo sila.. Minsan nga, hindi sila aware na nasaktan ka nila, laya kung ganun, paano sila magssorry di'ba? Either way, forgive. Kasi...  Forgiveness is not for them, it is for you. When you forgive, it is first and foremost.. for you. Forgiving means setting someone free, and that someone is YOU. I know you're thinking of someone now, and I hope and pray you can open your heart to forgive that person, whatever he may have done to hurt you. So, are you going to let bitterness change who you are in Christ? Today, talk to God.. And pray for that person, mention his name to Him. And free yourself from hatred, pain, unforgiveness, and bitterness. 

(Picture credits to Lauren DeMoss)



"To be a Christian means to forgive the inexcusable because God has forgiven the inexcusable in you." ― C.S. Lewis


Tuesday, May 7, 2013

TRENDING NA!

Familiar term?


"Friendster siyempre!"

 Tumpak!

Sino nga naman ang hindi nakakaalam dito. Baka ito pa nga ang kauna-unahang account na meron ka hehe. Uso ito noon kaya may account ka rin 'di ba? Gumugugol ka pa ng maraming oras kakaayos ng account mo dahil uso rin ang pagandahan ng backgrounds at layouts. Paramihan pa kayo ng friends ng mga kaibigan mo. Pinoproblema mo rin kung sino ang ilalagay mong top six friends sa profile mo remember? Meron ka rin nito dahil sinusundan mo ang idol mo--oh di kaya naman eh yung crush mo! At marami sa kabataan ngayon hindi na naabutan ang social networking site na ito.

"Myspace siyempre!"


 Tumpak!

At dahil overloaded na at masyado ng uso ang Friendster, lumipat ang mga idol mo at crush mo dito sa social networking site na ito, privacy nga naman.
Kaya nakiuso ka na rin!


 "Facebook siyempre!"



Tumpak!

Ang social networking site na sikat na sikat ngayon. Hindi naman kapani-paniwala kung hindi mo alam ang logo na 'to. Isa ring SNS na paramihan ng friends, likes ng status, pictures, and videos. Yung iba, after mauso ng Friendster eh lipat kaagad dito dahil ito nga naman ang mas latest at dito na rin ang latest tambayan ng mga idol at crush mo. Naadik ka rin dito dahil sa mga games like FarmVille na halos di ka na natutulog kakaayos ng farm mo at pataasan pa talaga kayo ng level ng mga classmates mo, Pet Society na halos hindi ka na rin makatulog kakadesign ng bahay ng pet mo, Mafia Wars na boring game at hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nahuhumaling sa larong 'to, at ZyngaPoker na hindi ko rin maintindihan dahil puro sugal sugal lang.

"Twitter siyempre!"

Tumpak!

Bakit nga naman hindi eh dito sumikat ang term na trending. At dahil overloaded na naman sa Facebook at nalaman mong dito na nagsilipatan ang mga idol at crush mo, gumawa ka na rin ng account. Ito rin ang nagpauso ng term na followers. Kung sa Friendster at Facebook ay paramihan ng friends, dito eh paramihan ng followers. Kaso lang eh mukhang designed for artists lang yata talaga ang SNS na ito dahil kung normal na tao ka lang eh hindi aabot ng milyun-milyon ang mga followers mo, yung tipong maka 40 followers ka lang eh masaya ka na. Dito mo rin nailalahad ang mga hinaing mo sa buhay yung tipong tinatamad ka lang eh tine-tweet mo pa at dito nai-stalk ang mga paborito mong mga artista. 

"Wattpad siyempre!"


Tumpak!

Dati ang uso eh yung pocket books, yung tipong you're having your class pero ito ang hawak hawak mo. Ngayon naman pinasosyal na, ginawa ng modern. Hindi ka na magtitiyagang magrent ng pocket books, langhapin ang lumang amoy nito, at mangolekta ng sangkatutak at idisplay sa kwarto mo. Dahil modern na, hindi na hassle ang pagdadala nito, cellphone lang ang hawak mo at nandun na lahat ng mga librong gusto mong basahin. Sa sobrang sikat nito eh halos di na kayo nag-uusap ng mga kaklase mo, kaniya-kaniya kasi kayo ng basa at hawak sa mga cellphones niyo, yung tipong nakakatakot istorbohin at nakikitang tumatawa mag-isa habang nakatingin sa cellphone. Kilig na kilig kasi kayo sa mga love stories na binabasa niyo at nagk-kwentuhan pa talaga kayo ng mga kaibigan mo kahit pare-pareho niyo lang nabasa ang mga stories dito.


"K-POP siyempre!"

Tumpak!

#aylabkeypap
Downloaded from Google
Ito ang halos kinababaliwan ng lahat partikular sa mga kabataan ngayon. Kahit may edad na yata eh nahuhumaling din dito. Pilipino tayong nasasabi pero sa totoo lang eh kitang-kita na ang laki ng impact ng K-POP sa mga Pinoy ngayon...sa puso, sa salita, at sa gawa. Even fashion style at hair styles nila ay ginagaya na rin ngayon. Sabi nga ng propesor ko, kung dati raw eh ang daming nag a-ROTC pero dahil nauso ang long hair ngayon at pakinisan ng balat eh nabibilang na lang talaga ang mga nagt-take nun. Yung iba eh trying hard pa magsalita o mag-aral ng Korean language. Kung isang kembot lang siguro at sa isang iglap eh magiging Korean ka na, baka iilan nalang siguro ang mga natitirang Pilipino ngayon. Nabaliw na rin ang karamihan sa mga kanta ng mga sikat na Koreans na 'to, yung tipong kahit nabubulol na sa kakabigkas ng lyrics eh kinakaya mo paring kumanta kahit hindi mo naiintihan. At isa rin sa mga dahilan kung bakit baliw na baliw ang mga tao dito eh dahil sa magaganda at gwapo sila, yung tipong mukha nila ang nakapaskil sa pader ng kwarto mo o di kaya naman eh wallpaper sa cellphone mo, at yung iba eh pinagmamalaki pa ang sobrang daming collections nila ng posters, magazines, notebooks, albums at kung anu-ano pa.

Downloaded from Google
"Pambara siyempre!"

"Mura siyempre!"

"Alak siyempre!"

"Yosi siyempre!"

"Tsismis siyempre!"


NOON:

"Saan ka pupunta"

"Sa banyo, masakit tiyan ko eh"

NGAYON:

"Saan ka pupunta?"

"Paki mo? Sa banyo, sasama ka?"

#ikawna!
Downloaded from Google
Noon, natatawa pa tayo sa mga ganitong pananalita. Kung sa alak "kapag tumatagal, lalong sumasarap", sa pambara naman "kapag tumatagal, lalong nakakasar". Sobrang tawa mo pa kapag napapanood mo sa tv ang mga comedians na ganito magsalita at na-adopt na rin ng madla kaya naman kung emotional ka, yung tipong madaling masaktan eh lumayu-layo ka sa mga taong ganito dahil baka hindi makayanan ng puso mo.

#%$@&$!
Downloaded from Google
Hindi lang pambabara ang sinisimbolo ng bibig. Nakikiuso na rin ang mga bibig ng karamihan sa pagsasalita ng mga masasama at nakakasakit tulad ng pagmumura, yung tipong sa inyong magkakaibigan eh natural na lang ang pananalitang ito, kumbaga eh ginawa niyo ng hobby at mala letson at chicharong baboy sa sobrang lutong. Kahit mga kabataan ngayon na may edad na limang taon pababa eh alam na ang ganitong pananalita dahil naa-adopt nila sa kanilang environment at ang mas malala pa eh mismo sa mga miyembro ng kanilang pamilya.

#chikaminit!
Downloaded from Google
Kahit hindi ko banggitin eh alam na alam mo na kung ano ang ginagawa ng nasa larawan na ito haha. Tumpak! Chismis o tsismis o di kaya naman para mas malalim eh bida sa tagalog, gossip sa english, at cheezzmizz sa jejemon haha ah basta! Yun na yun! haha. Isa ka rin ba sa mga gumagawa niyan? Hindi nga naman daw kase masarap ang usapan kung walang chini-chismis na kapit-bahay, kalaro, kaibigan, kaklase, at mapa guro man  eh hindi pinapatawad.


#taratagay!
Downloaded from Google
Isang masamang bisyo na talamak na hinahanap-hanap ng bibig ng karamihan eh ang alak na isang hobby rin ng barkadahan niyo. Ano mang okasyon mapa binyag man o birthday eh hindi yata nawawala ito. Kapag may problema hala sige! instead na mag-advice ng mas makakatulong sa kaniya eh mag-aayaan pa kayo uminom, kesyo nadadaan daw lahat ng problema sa maBOTEng usapan na madalas ring dahilan ng krimen at mga aksidente. Instead na 8 glasses of water a day eh 8 cases of red horse a day. Nagpapagandahan pa ng mga ideya sa commercials ang mga kompanya ng alak upang makahiyat sila na bumili ng ganitong produkto. Dinadaan nila sa kulay at sa mga bigating artista na naf-feature sa kanilang commercials kaya naman pati mga bata  ay nahihikayat nila. Nakakalungkot lang isipin na halos mismo sa mga magulang natututunan ng mga kabataan ang pag-inom, tapos magagalit at magsisisihan pa sila kapag mayroong masamang nangyari sa kanilang mga anak.

#yosibreyk!
Downloaded from Google
Trending na past time ng karamihan ngayon eh ang humithit at bumuga ng masama at mabahong usok, "yosi break" ika nga. Paggising sa umaga, pagkatapos kumain, miryenda o oras-oras yata eh ginagawa ang ibang klaseng break na ito. Nakakainis lang eh yung tipong fresh na fresh ka dahil bagong ligo ka tapos bubugahan ka lang ng mga drivers ng malagim na usok na 'ito iiiwww!! Yung iba naman, or actually eh "karamihan" sa mga jeepney drivers eh ang lakas lakas ng loob makapagpaskil ng NO SMOKING sa kanilang jeep pero mismo sila eh hithit ng hithit at buga ng buga ng kadiring usok ng kadiliman kaya naman pati kanilang mga labi at gilagid eh kadiliman na rin sa sobrang itim YUCK!! At ang pinapakamalala pa eh halos mga kabataan din ang mga nahuhumaling dito, yung tipong grade school pa lang eh gumagamit na ng sigarilyo. Grabe lang ang batang kilala ko na pagala-gala sa isang park dito dahil sa murang edad na as in murang-murang edad like 4-6 years old yata eh walang bukas kung makahithit at makabuga, yung tipong dalawang sigarilyo pa ang ginagamit niya at isang kaha pa ang nasa kaniyang bulsa. Pinagtatawanan at inuudyok pa ng iba pero sa totoo lang eh nakakalungkot dahil sa sobrang trending ng yosi eh mga kabataan ang nabibiktima nito.



Kung saan ang uso, doon ang mga tao ngayon, kumbaga eh buntot ng buntot. Yung tipong naiinis ka pa kapag overloaded na ang mga social networking sites na meron ka dahil sa mga taong nakikiuso rin. Gusto mo ikaw lang uso at bumubuntot. Nakakalungkot lang dahil ang mga uso na yan ay hindi nagdudulot ng mabuti sa atin.

For example eh sa twitter. Laging trending ang mga pangalan ng idol mo, ng crush mo, ng mga malulutong na mura, ng mga chika sa showbizz at kung anu-ano pa. Lahat trending na at lahat pinag-uusapan na! Pero bakit si Lord kahit kailan yata hindi naging trending? Yung tipong si Lord talaga ang top 1 sa mga trendings. Kung si JB lang yan, KPOP Groups, or mga kinahuhumalingan ng marami yung mga pogi at magaganda eh halos umaabot ng milyun-milyon ang mga tweets sa kanila, eh si Lord kaya ilan? Kung ikukumpra eh napakalaking agwat kaya naman napakalayo rin ng agwat  nila kay Lord dahil mas inuuna pa nila ang mga bagay na 'to.
Ang tanong: ISA KA BA SA KANILA?

Sabihin na nating IN ka sa mga kabarkada mo kung ginagawa mo ito...yosi, alak, mura, at kung anu-ano pa. Bakit kaya hindi mo i-try na mag-OUT sa mga yan? Yung hindi ang mga kabarkada mo ang  iniisip mo kundi si Lord. Yes, dahil sa mga TRENDING na yan eh sumasaya ka.
Ang tanongSI LORD BA NAPAPASAYA MO?

Nasabihan ka na ba ng " 'wag kang makeelam. buhay ko 'to! "?
Nawa'y maremind tayo sa mga verse na ito:

"Don't you know that you yourselves are God's temple and that God's Spirit lives in you? If anyone destroys God temple, God will destroy him; for God's temple is sacred, and you are that temple." --- 1Corinthians 3:16-17 

"Do you not know that your body is the temple of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore honor God with your body."
 ---1Corinthians 6:19-20


Tinubos na tayo ni Lord and we were bought a price. Kumbaga, kung nagsangla ka ng mamahaling kwintas at sa sobrang kahirapan ng buhay ay hindi mo na naitubos muli eh may iba ng tumubos na kayang bayaran ang hindi mo kayang bayaran. Yun ay ang mga kasalanan natin na hindi natin mababayaran kahit kailan kaya naman si Hesus ang nagbayad at nagsakripisyo. Kay God naman talaga tayo in the first place eh. He is our creator kaya pagmamay-ari niya tayo. Dahil nga sa pagkakamaling nagawa ng ating mga ninuno na sina Eba at Adan ay namulat ang isip ng tao sa mabuti at masama. (Read Genesis 3:1-24) Ngunit ano ang napapansin natin, hindi ba't namayani ang kaisipan ng sangkatuhan sa kasamaan kaysa sa kabutihan? Nagkaroon ng sariling isip ang bawat tao kaya naman "Walang pakeelaman!" ang motto nila sa buhay.
Ang tanong: GANUN KA RIN BA?

"Masarap ang bawal", madalas natin itong naririnig. Bawal ang yosi, bawal ang alak, bawal magsalita ng masama blah blah blah,...lahat bawal na hindi ba? Pero sabi nga sa book of Corinthians, "You are not your own...Binigyan tayo ni Lord ng Holy Spirit that dwells within us. Hindi natin pwedeng gawin kung ano mang nais natin gawin sa ating buhay at sa ating sarili. Hindi natin dapat sinisira ang lungs at liver ng katawan na pinahiram sa atin. Hindi ba't kung may pinahiram sa ating bagay ay kailangan natin itong ingatan at ibalik ng maayos at walang sira? Kaya naman ganun din dapat natin pangalagaan at ingatan ang buhay na ipinahiram sa atin ng Diyos.

"Do not love the world or anything in the world. If anyone loves the world, love for the Father is not in them" ---1 John 2:15

"Do not conform to the pattern of this world,..." ---Romans 12:2

This world is full of evil and temptations. Kaya naman kung mamahalin ng tao ang mundong ito, minamahal na rin niya ang kasamaan kaya't hindi siya dadaluyan ng pagmamahal ng Diyos. Hindi maka-Diyos ang pattern ng mundong ito kaya hindi dapat tayo ma-mold sa mga ganoong bagay. Hindi ko sinasabi na pinagbabawal ni Lord na gumamit tayo Facebook, Twitter, Tumblr, at kung anu-ano pang mga Social Networking Sites. Hindi naman talaga ito masama, nagiging masama lang kapag mali ang paggamit sa mga ito. Sabi nga ni Lord:
 "And the gospel must be first preached to all nations---Mark 13:10 
Hindi lang Pilipinas ang mayroong mga Social Networking Sites kundi buong mundo at lalong hindi lang ikaw ang meron nito kundi bilyun-bilyong tao. Gamitin mo ang mga SNS na meron ka sa pagbabahagi ng pagmamahal at blessings na natanggap mo kay Lord. I-share mo sa iba ang mga experiences mo kay Lord at lahat ng nalalaman mo tungkol sa Kaniya. Share and spread the goods news sabi nga ni Lord, hindi share and spread the tsismis!

Huwag kang mangamba kung wala kang alam na ishare sa iba. Ang kailangan mo lang gawin ay kilalanin ang Diyos na lumikha sa iyo at ang Diyos na nagligtas sa iyo by having your quiet time with Him--ang magbasa ng Kaniyang salita, ang BIBLE. Instead na magbasa ka ng mga libro na love stories na siyang nagiging dahilan ng pagiging hopeless romantic mo eh why not read the bible hindi ba?  You will surely know the Lord better and deeper pa! :)

ADD THE LORD OUR GOD AS FRIEND AND FOLLOW HIM.
I'm sure na magiging no.1 na si Lord sa mga trendings --- 






Note: Huwag lamang itong basahin kundi intindihin din at higit sa lahat ay i-apply mo sa life mo. Ishare mo ito sa iyong mga kapamilya, kaibigan, sa lahat ng friends and followers mo sa facebook at twitter, at sa lahat ng mga kilala mo. GOD BLESS :)

Friday, April 12, 2013

Busy People, Busy people everywhere


Homeworks. Exams. Thesis. Competitions. Barkada. Gimiks. Vacation Trips. Lablayp. Facebook. Videogames. Lack of initiative. Financial incapability. Unstable decision making. Family background. Lack of talents. Improper time management. Shyness. Young age.

Ilan lang ang mga 'to sa mga dahilan ng marami sa atin kung bakit ayaw pang magserve kay Lord. Kesyo madaming ginagawa sa bahay, kesyo nahihiyang mag-Church dahil madaming kasalanan, kesyo bata pa, marami pa raw oras. E ano nga ba ang pinamumuhay natin sa mundong 'to? Hindi naman tayo nandito para mag-enjoy, magpakayaman, at kung anu-ano pa. Nandito tayo para mamuhay sa Kanya. Kung hindi ngayon, edi kelan? :)

"No time for God? What if God will have no time for You? Think of eternal life now."

Nakita ko to na nakapaskil sa loob ng jeep nung elementary pa ko. Nakakapangilabot diba? Pano nga kung nawalan Sya ng time sayo? Creepy. Pero syempre, di naman Niya tayo iiwan, don't worry. :)

Narito ang ilang aspects na minsan ay nakakasagabal sa pagseserve kay Lord. At narito din ang mga possible solutions. :)

photo from google.

SCHOOLSabi nga nila, edukasyon daw ay kayamanang hinding-hindimananakaw sayo. Kaya naman ang iba, effort kung effort ang binibigay. Minsan nga, ang 5 days na pasok ay kulang at gugugulin pa ang 2 days na pahinga. Kaya ayun, naneneglect ang pagseserve kay Lord. Pag-papaatendan mo ng Sunday "Ay, may project po ako," "Ay tatapusin ko po thesis ko," ay ay ay! Puro ay. Kung tutuusin, hindi dapat 'to maging sagabal sa paglilingkod sa Diyos. Part ito ng ministry natin as Christians. Sabi nga ng isang ate sa Church namin, "WE ARE PART TIME STUDENTS AND FULL TIME CHRISTIANS." This phrase says it all. Pwede nating i-offer kay Lord ang bawat high score natin, at i-share ang unfailing love ni God sa ating mga classmates. Basta do everything for Him! :)

PEER PRESSURE. Dito pumapasok yung barkada. Ang mapanuksong barkada na talaga namang kayhirap tanggihan. Hehe. Kapag kasama mo sila, magagawa mo ang lahat. Kumbaga, sila ang energizers mo. Pwede naman magamit itong aspect na ito para i-serve si Lord. Dapat lang, Siya ang maging center ng friendship nyo. Ayun, and everything else will follow. :))

THE "BATA PA KO" ALIBI. Ayun nga, bata. Maraming pangarap pa na gusto munang abutin. Edi kelan ka pa maglilingkod? Kapag uugud-ugod ka na? Sabi sa Ecclesiastes 12:1 "Remember your creator in the days of your youth..." Kung kelan may lakas pa tayo para magawa ang mga pinapagawa Niya sa atin. Trust me, worth it ang lahat. :)

"MAKASALANAN AKO, PANO 'YUN?" Ito naman yung talamak na reason. Gasgas na nga e. Aba naman friend, lahat naman tayo makasalanan. :)) For all have sinned and fall short of the glory of God, ika nga ng Romans 3:23. Pero eto yung magandang part.

Kahit na makasalanan tayo, unworthy, at madumi, namatay Sya para sa ating lahat. Hindi para sa mga mababait, sa magaganda't gwapo, o sa mayayaman-- PARA SA ATING LAHAT. Yun ang tunay na pakahulugan ng pag-ibig!

"This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins." - 1 John 4:10

So, ano dapat ang response natin ngayon?

Iaalay ang buong buhay sa Kanya. Gawin ang lahat para sa ikararangal ng pangalan Niya. Walang busy sa taong namumuhay para kay God! E ano ba naman ang pansamantalang kasiyahan na bunga ng mga kabusyhan natin ngayon compared sa eternal life na matatamo natin kung mananatili tayo sa Kanya diba? Hardcore!

So dapat, ganito ang itsura ng priority list natin.

  1. GOD
  2. Kahit ano ang second
  3. Kahit ano ang third
  4. and so on...
Basta ang importante, si God ang una. Seek first His kingdom, and everything else will be added unto you (Matthew 6:33).

Ano, BUSY KA PADIN BA? :)

Wednesday, April 10, 2013

ARE YOU READY?

YESSSSSSSSS SUMMMMERRRR NAAAAAAA!!! :)

Tuwing bakasyon nagpaplano ang family niyo para sa Vacation Trip niyo. Siyempre matagal palang eh nagreready ka na. Ililista mo na ang mga dadalhin mo o di kaya naman ay ieempake mo na para pagdating ng araw ng trip niyo eh ready to go ka na. Minsan dino-double check mo pa para makasigurado ka na wala ka talagang naiwan.

CHECK LIST:
✔ Money                        ✔ Clothes                    ✔ Slippers
✔ Passport                     ✔ Cellphone                ✔ Shoes
✔ Place                           ✔ Camera                    ✔ Laptop
✔ Hotel                           ✔ Sunglasses               ✔ iPad                   

Pero what if unplanned ang vacation trip niyo? Bigla ka lang tinawagan ng mga kaibigan mo at nag-ayang pumunta sa Boracay and they will pick you up 10 minutes after mo natanggap yung text nila. Edi dali dali kang mag-aayos ng mga gamit mo, lagay dito lagay doon, kahit ano na! Tapos, pagdating sa Hotel, nakalimutan mo palang magdala ng ganito at ganiyan. Kulang din ang perang nadala mo. Eh paano kung KKB pala tapos sakto lang din ang perang dala ng mga kasama mo? Paano ka ngayon?

Eh kung sasabihin kaya sa June na may Field Trip kayo sa November? Common attitude ng Pinoy siyempre sasabihin sa sarili "matagal pa naman yun kaya saka ko na muna iisipin".

Eh kung alam mong may exam ka next week pero hindi ka nagreview. Ginugol mo ang oras mo kakalaro ng mga computer games at kakagala kasama ng mga katropa mo o di kaya naman inuman TUDAMAX!? Edi pagdating ng exam mo wala kang masagot? Paano ka ngayon?

http://www.revelationillustrated.com/shop/image36.asp
Ito naman ngayon. Paano kung second coming na pala ni Lord ngayon? Oh ano? Ready ka ba? Nakapagready ka ba? Eh kung nagising ka nalang isang araw wala na ang mga kasama mo, RAPTURE. Wala ng tao sa paligid mo. Tsk! Tsk! Naiwan ka na! Hindi mo man lang nakita ang second coming ni Lord at ang masaklap pa...hindi ka kasama sa mga sinundo niya papuntang langit o kaya naman eh nakikita mo ang pag-akyat ng mga kakilala mo kasama si Lord pero hindi ka kasama sa mga yun katulad ng picture na 'to. (aaahhhhh :( ) Magtataka ka pa kung bakit hindi ka kasama sa mga yun. Mapapatanong ka nalang siguro ng:

"Eh good boy/girl  naman ako Lord ah?"

"Kilala naman kita Lord ah?"

"Nagsisimba naman ako Lord ah?"

"Bakkkkyyeeettt?? :( "


Tsk! Tsk! Kahit ikaw pa ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa mundong ito, kahit ipatawag mo pa ang piloto ng eroplano o helicopter mo, hinding-hindi ka makakasama papuntang langit!

Isa lang naman ang solusyon dito eh, YOU HAVE TO BE READY! Kumbaga, malayo palang eh dapat mo ng paghandaan. Kung kinakailangang gamitin ang pagka-GIRL SCOUT o BOY SCOUT mo eh gawin mo! KAILANGAN, LAGING HANDA! :)


Matthew 24:44 "So you also must be ready, because the Son of Man will come at an hour when you do not expect Him."

Oh diba? Parang unexpected visitor lang sa bahay niyo. Magugulat ka sa biglang pagbisita niya. Matataranta ka pa dahil hindi ka man lang nakapaglinis ng bahay niyo. So kailangan pala eh lagi kang naglilinis ng bahay niyo kahit walang bisita para hindi ka na mataranta kapag may unexpected visitor ka.


Yung mga READY sa second coming ni Lord siyempre matutuwa. Hindi man nila alam kung kailan, hindi naman nila nakakalimutan ang paalala mula sa bibliya sa muling pagbabalik Niya. Nakakatuwang isipin siguro na pinaghahandaan mo kung anong magiging reaction mo kapag nakita mo si Lord yung tipong mapapakanta ka siguro ng  I CAN ONLY IMAGINE (click to view) by Mercy Me.  Yung tipong hindi mo alam kung magkakanta ng mga Songs of Praises at magwo-Worship o mapapasayaw ka sa sobrang tuwa kapag nakita mo na si Lord hehe.


Eh yung mga UNREADY naman kaya?

Kakabahan ba?

Tatakbo papalayo?

Magtatago kay Lord?

Pero Don't worry, maaga pa naman, may oras ka pa para magready at magbago.


HOW TO BE READY

Heto ang mga advice ng mga ate at kuya natin kung paano ba talaga maging handa sa muling pagbabalik ni Lord.



Ate Cha
"I-keep na on fire ang relationship sa Kanya, mamuhay na para sa Kanya at hindi para sa ibang tao. Talamak kasi ngayon ang iniisip ang sasabihin at tingin ng ibang tao e. Magiging victorious kung hanggang sa huli (sa pagdating nya or sa pagkamatay) ay ippraise si Lord at kung nashare ang Word at love Nya sa iba. Ang status ko ngayon ay still hoping na maging on fire pa sa Kanya dahil alam ko na lagi ko Syang nafefail."


Ate Clar
"Parang sa friends lang yan eh. 'diba we need to be secured sa relationship natin kay Jesus, meaning we have to be close to Him. (Daily QT, prayer and worship) Yung kumbaga ini-include natin sya sa bawat pangyayari and mangyayari sa buhay natin. Lahat ng natututunan natin sa Kanya lagi natin tinatatak sa puso natin. Parang sa friends, kunwari tayo, bff tayo 'tas ako secured ako sayo alam ko love mo ako and at peace tayo with each other, hindi mo 'ko na-offend ganun. Kapag dumating ka ng surprise sa bahay, okay lang sa akin. I will be glad to see you pa diba. Ganun yun, pag si Jesus dumating and na-offend mo siya (sin), or worse hindi ka Nya kilala (hindi mo sya kinakausap sa prayers, weak faith) sa tingin mo matutuwa ka or matutuwa siya pag nagkita kayo? Hindi diba? Tapos may naalala akong verse, "Depart from me for I do not know you." Sabi nya. And making your presence known to the Lord by constantly talking to Him and doing things for Him by faith. Example, you are faithful sa tithes and offerings mo because you expect and believe God will prosper you financially. You love others kahit mahirap because you honor His word na ganun ang attitude natin dapat, because we know na kapag sinusunod natin ang Word nya, He is pleased."


Ate Yayo
"Siyempre dapat nag-aattend ako every Sunday and sa lahat ng activities sa church. Pero syempre dapat makikita lahat ito sa buhay ko and of course para matupad iyon, kailangan ng prayers and also dapat ginagamit ko din ang mga gifts ko galing kay Lord like talents. Dapat nagwo-work ako para sa Kanya. Lagi dapat maging ready since hndi natin alam kung kailan Siya darating. Hindi din ako dapat magpapadala kahit sa mga simpleng temptations kasi anytime pwedeng dumating si Lord."


Ate Madie

"Accept Jesus Christ as your Lord and Savior and live for Him alone. Always read your bibles din. Huwag lang basahin kundi  intindihin ito---imeditate ito at iapply sa life mo. Kumbaga, ito ang sandata natin at huwag na huwag ikahihiya ang Gospel dahil Good News ito para sa ating lahat. Makisama sa mga taong alam mo na maggrow ang relationship mo Kay Lord at hindi sa mga taong lalo kang mapapalayo sa Kaniya. Huwag ikahiya ang pagiging Kristiyano mo kahit tawagin ka pang weird, oa, sobrang makaDiyos o kung ano pa. Kung lahat ay para kay Lord, never naging nakakahiya yun. Sila ang dapat mahiya dahil alam nilang ang sacrifice na ginawa ni Jesus para sa kanila pero wala lang ito para sa kanila, it was just a history for them. Make fishers of men dahil  mas masayang nagseserve kay Lord kung kasama mo ang pamilya mo at mga kaibigan mo. :-)"


Ate Chin
"As a servant of God gagamitin ko lahat ng strength ko para maserve ang Lord and also, I will keep myself atouched on Him. Lalo ko pang paiigtingin ang relationship ko sa Kanya by using my talents to worship Him. And siyempre, papanatiliin kong on fire sa Kanya at lagi lang siyang itrutrust in all areas of my life. Sa tingin ko sa pamamagitan niyan magiging victorious ako sa pagseserve sa Kanya. I pray na lalo pang lumalim yung relationship ko sa Kanya and lalo pang maging on fire kay Lord. As of now, I am jofully serving Him. :-)"


Kuya Christian
"Kailangan lang na habang kaya pa natin, habang may panahon pa, habang may lakas pa tayo, habang hindi pa tayo kinukuha, habang may pag-asa pa, kailangan alalahanin na natin ang tunay na lumikha sa atin, yun ang ating Diyos na buhay!!! Na ibig sabihin kailangan na habang tayo ay mga kabataan at habang kaya pa nating magserve sa Lord gawin na natin ang lahat nang ating magagawa para sa Lord. So that we have no worries when Jesus comes. Just remember the verse: Ecclesiastes 12:1 "Remember also your Creator in the days of your youth, before the evil days come and the years draw near of which you will say, “I have no pleasure in them” Ang status ko naman sa Lord is: in relationship cause i'm still working for what God wants me to do for Him. Wala ka nang dapat pang marating sa buhay, ang kailangan lang ay mag-patuloy ka lang na naglilingkod for the Lord hanggang kaya mo pa at hanggang sa pagdating nya. :-)"




(I will keep on posting advices of our ate and kuya :) )









Nawa'y makatulong ito sa relationship mo kay Lord. GOD BLESS :)






Tuesday, April 9, 2013

RESTART


Minsan ba sa buhay mo, naisip mo ba na gusto mong magsimula uli?Kumbaga sa game, eh reset? Restart? New game dahil na-GG ka? Erase erase lahat ng nasa past na? Oo, alam ko naisip mo na yan. Wag ka ng mahiya. Lahat naman ata tayo. Kasi lahat tayo nagkamali na, may nasaktan ka, at sino ba namang kakaibang nilalang ang gustong gustong pinapaalala sakanya ang mali niya di'ba? 

GOOD NEWS. Pwede tayong magsimula uli. God is a God of second chances. Minsan nga, pag di nakukuha sa second chance. May third, fourth, fifth, sixth... Di bale, God is also a God of third, fourth, fifth, up to the nth chances pa yan! As long as nagsisisi ka talaga. Merciful at forgiving si Lord. At tayo, dahil human tayo and we are never perfect, nagkakamali at nagkakamali parin tayo, dun kasi tayo mas natututo, eh. Kaya nga we need God each day of our lives.

Anyway.. The Good News. The Gospel. Alam niyo bang sobrang nakokornihan ako dati pag naririnig ko 'yan sa mga tao? Pero ngayon, I consider it the best thing na shinare nila sa akin sa buhay ko. Naliligaw nanaman tayo sa topic. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko bago pa ako nagtalambuhay. Take 2!

The Good News. Bago natin maapreciate ang Gospel, kailangan muna natin malaman kung bakit natin sya kailangan. Parang sa mga tipikal na bagay lang sa mundo. For example! Hindi mo maaappreciate ang subject mo na Calculus kung hindi mo alam kng bakit mo ito kailangang pag-aralan. Lalo na kahirap pa naman nyan. Mapapa-Lord help me ka talaga! haha

Why do we need the Gospel? Why do we need to start over? Icocompare ko ito sa mga tipikal na pangyayari sa mundo natin. Kapag ba hindi mo alam na may sakit ka, ppunta ka sa Doctor? Pag ba pinainom kita ngayon ng gamot ng hindi mo alam kung para saan, papayag ka ba? Hindi di'ba? Pwera nalang kung type mo ang nagpapainom ng gamot sayo. Joke hahaha. Moving on, hindi ka papayag di'ba. Kasi ang alam mo, at ang sabi ng mundo sayo... wala kang sakit. Walang mali sayo. Walang problema. Well, meron. Idiagnose natin ito bago pa nito tayo patayin. Wag kang mag-alala, nandito ang Great Physician natin para gamutin tayong lahat sa sakit na'to. :-)

THE PROBLEM: SIN


May isang napakalawak na gap between us and God dahil dito. Imagine it as a cliff between two people. Tayo ang nasa isang side, si Lord ang sa isa. Napakalalim at ang hirap tawirin di'ba? One cannot come to be with the other. 

Have you ever felt distant from God? Oh, wag ka na uli mahiya. Lahat tayo naramdaman yun. Sa sobrang gusto natin na mapunan yung gap na yun, minsan akala natin pag nagsimba na tayo, o kapag nagmeditate tayo at nag-aral about sa religion natin, magiging closer na tayo Sakanya. Pero since ang gap na nagsseparate sa atin kay God ay hindi intelektwal o pisikal, it won't do us any good. Yung bangin na naghihiwalay sa atin Sakanya ay moral. 

So ano yung malawak na bangin na yun? 

"Surely the arm of the LORD is not too short to save, nor his ear too dull to hear. But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear." -- Isaiah 59:1,2

Gaya ng namention kanina, moral gap ang meron tayo kay God. Si God, holy. Ang tao, hindi. Si God, mabuti. Ang tao, hindi. Kasi lahat tayo nagkasala. Kaya lahat, napahiwalay kay Lord. At lahat tayo, magbabayad sa kasalanan natin. Ano ang consequence? ETERNAL DEATH.

". . . for all have sinned and fall short of the glory of God . . ." --- Romans 3:23

"For the wages of sin is DEATH. but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord." --- Romans 6:23

Kabigat no? Death agad. Well, ganun kasi tlga eh. Nadiscover ko kung ano ba talaga ang nagawa ko dahil sa kasalanan ko. Pero syempre, kung may problema.. May solusyon.

THE SOLUTION: GOD'S SACRIFICE AND SUBSTITUTION

"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” -- John 3:16

Siguro mapapatanong kayo kung bakit yun yung solution. Ang kasalanan kasi ng mundo, sa sobrang bigat at dami, nangailangan ng precious sacrifice. Ang Unico Hijo ng Panginoon. Siguro kilala niyo na kung sino yun. Si JESUS CHRIST, walang kasalanan pero sya yung nagsuffer para sa atin. Dahil sakanya, kaya righteous ang mga naniniwala Sakanya ngayon sa paningin ni God. Dati, I didn't understand kung bakit ganun ang ginawa ni God. Bakit binigay Niya yung anak Niya na walang kasalanan para sa atin, eh hindi naman natin deserve? Ngayon naiintindihan ko na. Kasi God loves the world so much, at ayaw nyang mahiwalay tayo sakanya forever. Kumbaga, si Christ ang naging TULAY para ma reconcile tayo kay God. Para makasama natin sya.

". . . Then Christ would have had to suffer many times since the creation of the world. But now he has appeared once for all at the end of the ages to do away with sin by the sacrifice of himself. Just as man is destined to die once, and after that to face judgment, so Christ was sacrificed once to take away the sins of many people; and he will appear a second time, not to bear sin, but to bring salvation to those who are waiting for him." -- Hebrews 9:26-28

"God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God."  -- 2 Corinthians 5:21

Grabe di'ba? Parang ganito yan, eh. Yung parang nakulong ka, tapos napatawan ka na ng death penalty.. I-llethal injection ka na friend! Tapos bigla bigla, nung itutusok na sayo yung needle eh biglang tumawag ang Presidente, at sasabihin na... 

"Laya ka na.. Pinyansahan ka na." 

Grabe di'ba! Sino ba namang hindi matutuwa dun. Hindi ka na nga mamamatay, laya ka pa sa pagkakakulong! Kung ako siguro, maglululundag pa ako sa tuwa.Yun ang ginawa ni Jesus Christ para sa atin, madlang pips! 

Siya ang namatay para sa mga kasalanan natin. Sya lang ang qualified na maging kapalit ng mga bongga nating kasalanan dahil nabuhay siya ng walang kasalanan.

"In him we have redemption through his blood, the forgiveness of sins, in accordance with the riches of God’s grace . . ."  -- Ephesians 1:7

"But now in Christ Jesus you who once were far away have been brought near through the blood of Christ."   --- Ephesians 2:13

Ngayon alam na natin kung bakit natin kailangan ang GOOD NEWS, baka maitanong mo.. 

"EH ANO NAMAN ngayon? So what?!" 

THE RESPONSE: RECEIVE GOD’S GIFT BY FAITH

Ano ang tipikal na gagawin mo kapag binigyan ka ng gift? Hindi ba madalas nating sasabihin... "Thank you!" At talaga nga namang thankful ka kasi hindi mo ito kailangang suklian o bayaran kasi nga gift nga  ito sayo. Eh ano naman ang connection ng salvation sa gift ate Clar? Heto na. Ready?

First, let us define GRACE.
Hindi po ito yung kaibigan kong maliit at cute haha.
Grace - God's gift of undeserved sanctification
Some people think good works are a way for salvation. But what does God say?

"For it is by grace you have been saved, through faith—and this not from yourselves, it is the gift of God—not by works, so that no one can boast."  -- Ephesians 2:8,9

By grace ang salvation natin sabi ni Lord. At ano na uli ang definition ng grace? God's GIFT of undeserved sanctification. GIFT. GIFT. GIFT.

Ang mga gift, free. Hindi naman sguro pagkabigay sa'yo ng gift sabay sasabihin eh... "500 lang yan bro. Kunin ko bayad sa katapusan ha." Ang gift of grace ni God sa atin.. FREE.

The world's equation:
GOOD WORKS + RELIGION  = SALVATION
WRONG!

God's equation:
GRACE + FAITH = SALVATION



THESE ARE OUR ATTEMPTS TO REACH GOD, which fails us every time.
We are saved by God’s grace when we realize our need for a Savior, turn from sin, and receive Jesus Christ as Lord and Savior, putting our trust in Him alone for salvation.  If you put your faith in Christ, you acknowledge and repent for your sins, YOU WILL BE SAVED! If you are saved, you are now in Christ. You have been given a NEW HEART and a NEW SPIRIT, na magreresulta sa good works. 

If you give to the poor, or do anything good for people.. it is because God has been good to you and gumawa ka ng mabuti kasi you want to show Him you're thankful. Not because we're trying to get closer to Him. Because we already are, by the blood of Jesus!

You become a Christian NOT by doing, but by BELIEVING.

From the 121 booklet:

Prayer for Salvation
Heavenly Father . . . I acknowledge that the separation between us . . . is because of my sin . . . I confess that I have sinned . . . and have fallen far short of Your glory . . . I thank You that You sent Your Son, Jesus . . . to pay the penalty for my sin . . . I believe that He died on the cross for me . . . I believe that You raised Him from the dead . . . I am sorry for my sins . . . and I ask You to forgive and cleanse me . . . I want to turn away from everything the Bible calls sin . . . and receive You as my Lord, Master, and Savior . . . help me to love, serve, and obey You . . . for the rest of my life . . . in Jesus’ name . . . Amen!

If you have sincerely prayed that prayer, the Bible promises that the old has gone and the new has come! 

"Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!"
2 Corinthians 5:17

Welcome to your new life! :)